Chapter 22 - Wow... Mali.

70 7 0
                                    


Dear Diary,

Hindi ko alam kung anong pag-iinarte ang sumapi sa katawan ko ngayong araw. Hindi ako makakibo. Hindi ako makangiti masyado kahit pinipilit kong ngumiti. Si Gabriel ang kasama ko and I am very surprised na nag-level up ang effort niya ngayon para lang patawanin ako.

For some reason, pati yung mga fans namin parang nabawasan ang suporta sa amin. Hindi na nila ako tinitignan ng matalas at hindi na nila ako inaaway like sadya akong babanggain para lang masabing nadikitan nila ang katawan ng babaeng pinakasikat sa school.

He even brought some chocolates for me. Hindi naman ako ingrate na hindi nagpasalamat. It's just that, kahit ako, hindi ko maintindihan bakit ganito katindi ang sakit na nararamdaman ko. Andami kong tanong pero ni hindi ko maumpisahan kung ano at alin man sa mga tanong na iyon ang uunahin ko. Feeling ko lang din, alam ko kung ano an mga tanong na iyon pero ayokong umpisahan kasi a part of me is saying na wala akong karapatang tanungin 'yon.

Anyway, tulad nga ng sabi ko, something is odd this day.

Kapag nakikita ko ang mga kaibigan ko, I feel like sinasadya nila akong iwasan. Pati yung mga kaklase ko and ibang naging kakilala ko na sa student council, halos hindi na ako kausapin at para lang akong hangin kapag nasasalubong nila.

Pero what hurts me even more, is that Isaac is holding a bunch of small boquet of white roses. It automatically reminded me of what I heard yesterday and alam ko din kung ano kanino mapupunta ang mga iyon.

"Oh 'wag ka na mainggit. Ito ang sa'yo. Mas maganda sa mga white roses niya. Yun nga lang, isa lang 'yan. Hehe!" kamot ulong inabot sa akin ni Gabriel ang isang blue rose.

It is really beautiful lalo na at ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulay ng rose. I can't take my eyes off it. Magpapasalamat na dapat ako pero tinawag bigla ni Richard si Gab, "Tol! Tara na!"

Tumango lang itong si Gabriel at nilingon ako, "Oh see you in a bit ha?"

Pero meron akong napansin, "Bakit parang kabado ka? Naririnig ko sa boses mo."

Hindi na niya ako sinagot. Tumakbo na ito sa direksyon ni Richard at iniwan na ako mag-isa na hawak ang blue rose.

Maya maya pa, mabilis na lumabas mula sa kawalan si Andrea, may malaking ngiti sa mga labi at hinaltak ako sa braso. Everything happened so fast at hindi na ako nakapagsalita. Kinaladkad niya ako sa may dulo ng hagdanan na papunta sa mga lockers.

Inabot niya sa akin ang isang pink na sticky note that says, "Just follow the sticky notes heading to the lockers."

Tinapik ni Andrea ang braso ko, kinindatan ako and said, "May you finally live in peace."

"Hoy! Pang-mamamatay 'yon eh!" sigaw ko pabalik sa kanya habang tumatakbo na ito papalayo sa akin.

Natawa ako sa eksena naming iyon but it was cut short nang makita ko ang mga sticky note na nakahilera and heading to where I initially thought of ---sa lockers.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Gusto ko na takbuhin ang direction na itinuturo nito sa akin pero hindi ko mapalampas ang mga nakasulat sa mga sticky notes.

They have the same penmanship tulad nung mga nauna kong mga natatanggap araw araw sa locker ko. May naiisip na akong tao na lalong nagpakaba sa akin. Anticipation really kills me this time! Ni hindi ako makaisip ng punchline. Ang creepy pati kasi wala kahit isang estudyante ang dumadaan sa kung saan ako dumadaan.

Siya nga ba ito talaga o trip trip lang ulit?

On every sticky note, nagsalitan ang arrow kung saan ako dadaan at ang mga messages niya sa akin sa susunod na papel. Isa isa ko silang tinatanggal at pinagsama sama sa kamay ko.

"I am sorry for being an asshole."

"Ang cute mo kapag pinandidilatan mo ako ng mata."

"You are a perfect example of a very spirited girl."

"Thank you for your smiles. I love it."

"Thank you for your sarcasm. It is a great brain exercise."

And so forth... kaso, ang kaninang isang tao na naiisip ko, nagiging dalawa na. Naghati ang mga boses na bumubulong sa akin. Sabi ng isa, tumuloy na ako para matapos na ang pag-iisip since gusto ko din naman ito makilala kung sino man siya. Sa kabila naman, sabi nito sa akin, 'wag na akong tumuloy dahil baka ma-disappoint ako. Baka magalit lang ako.

But still, dahil makulit din ako, dinirediretso ko ang daan kung saan itinuturo ng sticky note ang papalapit na locker room.

"This is the last sticky note. Nice to meet you."

Dahan dahan akong tumingala and saw Gabriel holding a boquet of white roses, slowly walking towards me.

Pinilit nitong ngumiti at inabot sa akin ang roses. Hinihintay kong sabihin nitong joke lang ang lahat but he remained silent and looks like was about to say something.

"K-kalma ka lang. Hindi kita pinagtitripan. B-but... Napagutusan lang ako. Pinapaabot niya sa'yo ito and this blue sticky note." Sabi ni Gabriel.

Wait... hindi siya?

Inabot ko ang roses at ang sticky note that says, "Tomorrow."

Bakit ganun? Na-disappoint nga ako pero...



Magandang tunay,

Gelay

The Potassium ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon