Chapter 26 - Knocking at the door

67 6 0
                                    

Dear Diary,


OH MY EFFING G!!! Hindi ako makapaniwala that it has been five years already! Gosh andami ng nangyari! I was actually just sorting my things tapos bigla kita nakita! Your pages are a bit yellowish na and konti na lang ang natitira mong pages. It really felt nostalgic!

But you know, binasa muna kita ulit bago ako nagsulat. Honestly natatawa ako sa younger self ko. I am now 23 years old and hindi ko inaakalang 4 years in college will happen pretty fast! Ayun nga, ang saya saya lang na mabasa ang mga kagagahan ko noon. Sobrang harot ko pala at sobrang aligaga! On the other hand, I also realized that karamihan pala sa mga naisulat ko doon is about Isaac ano?

Come to think of it, kamusta na kaya siya? Nung minsang umuwi kasi siya dito na around 2nd year college kami, maikwento ko lang, I have totally given up on him. I badly want to hate him pero I kept reminding myself na mas kailangan ko mag-aral at hindi ko kailangang hanapin ang isang taong ayaw magpakita. Nalaman ko kasi umuwi siya nung minsang nag-send ng group e-mail and adviser namin asking na mag-dinner naman kaming mga magkaka-batch. Pumunta ako. Pero siya hindi sumipot.

I was so disappointed that Gabriel even kidnapped me to go to Tagaytay para lang makita ang city lights at kumalma. Ni hani ho wala talaga. Walang sinabi na, "Hoy atey jujuwi ang lolo mo. Ihanda ang red carpet sa napipintong pag-rampage ko."

Wala talaga. Hanggang sa nakabalik na lang siya ng US. Kaya hanggang ngayon, wala na talaga akong balita sa kanya. All I know is, busy ako haha!

Anyway, Gabriel started working few months ago as a Marketing Specialist in a famous Printing and Publishing house. Sabi pa niya, he is actually working on something and ipagdasal ko daw siya. tinatanong ko kung ano hindi naman sa akin sinasabi. Baka maunsyame pa daw kaya 'wag muna. Hahaha! Well, wala naman akong ibang hinangad pa kundi ang maging successful siya sa kung ano man ang gagawin niya.

Si Andrea is now working as a Public Relations Officer sa isang sikat sa brewery. Officer na siya ngayon kasi right after graduation, naghanap siya kaagad ng trabaho at mabilis din na natanggap. Nagpasama pa nga sa akin 'yon mamili ng mga office attire at magpa-make over. Ayan tuloy. Nailnlove lalo si Richard sa kanya na kasalukuyang Finance Officer na sa isang sikat din brewery. Magkalaban actually ang company nila ni Andrea haha!

Si Steffi at Manjae naman, sila pa din hanggang ngayon at plano na nila magpakasal kapag 26 na daw sila para makapagipon. Akalain mo diba? Shareholder na sila sa isang malaking bookstore at nagtayo din sila ng sarili nilang bookstore. Nakakatuwa kasi successful na silang lahat. Mga atat magtrabaho. Ambibilis tuloy magsiyaman. Hahaha!

Ako ito, currently working as a columnist sa isang newspaper company. Nakakaloka nga lang kasi Creative Writing ang kinuha ko pero nakakuha ako ng trabaho sa isang kumpanyang madalas mong maririnig na nakatapos ng Mass Comm or Journalism ang mga kasamahan mo . Ako ang minsang gumagawa ng horoscope column na puro kalokohan lang ang laman. Ang nakakatawa, kinagat naman ng tao. May isang linggong hindi ako ang nagsulat ng horoscope pero napansin siguro ng mga suki namin. Ayan tuloy, ako na ang sumusulat ng mga kalokohang horoscope. Kahit ako natatawa ako sa sarili ko hahaha!

Hindi ako umaangal kasi unang una, it pays well at marami ang benefits. Mababait ang mga katrabaho ko na awa naman ng diyos, tinutulungan ako talaga at walang nagpa-power trip. Hindi mawawala ang mga atribida pero kaya ko na sila. Hindi nila kilala kung sinong binabangga nila. Atribida lang sila. Potassium ako! Hahahaha!

It is really funny.

Hmm... Going back to Gabriel, ang maikukwento ko lang, nagkaroon din siya ng girlfriend nung third year college kami pero isang buwan lang ata. Nagulat ako kasi sobrang bilis. Inaway pa nga ako ng girlfriend nun. Hinintay ako makalabas ng University. Ni hindi ko nga nalaman na siya na pala ang jowa ni Gabriel kasi that time, sobrang busy na kami ng mga kagrupo ko na wala na talaga akong time para matulog, let alone makipag-landian.

Galit na galit sa akin ang girlfriend ni Gabriel pero hindi naman siya eskandalosa. Hindi man siya eskandalosa, ramdam mo naman sa mga salita niya na ako ang sinisisi niya kung bakit sila naghiwalay. I mean, oo I hear may girlfriend na si Gabriel kaya hindi ko na din masyado sinasagot ang mga tawag at texts niya dahil ayoko nga na mapagisipan siya ng masama.

Sa loob ng isang buwan na iyon hindi kami nagkitang dalawa. Pa-like like na lang ako sa mga posts niya kapag nakakasilip ako sa Facebook.

Ok aaminin ko na din, naguluhan ako when I heard na meron na siyang girlfriend nung third year college na kami. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. I was still at the process of forgetting and trying to get over Isaac but still, nasaktan ako.

Tinanong ko din ang sarili ko kung bakit ako nasaktan eh. Parang biglang kinatok ang ulo ko. Yung tipong I kept looking straight at Isaac's back and trying to forget him then someone threw a pebble that made me look back and realized that Gabriel is at my back, extending his hand for me.

Lalo ako tuloy dumistansya kasi kilala ko ang sarili ko. Baka may masabi akong hindi tama. Naisip ko din, if my childish confusion with Isaac came to pass, siguro kay Gabriel ganun din. Tingin ko nga alam ko kung ano ang himutok ng buchi ko noon pero isinantabi ko dahil nga baka nga may masabi akong mali at makagulo pa sa kung anong gustong umpisahan ng kaibigan kong Gabriel ang pangalan.

A month after ko malaman sa ex ni Gab na break na sila, nagulat ako nang makita siya na nasa parking lot ng University, naka-park at nakaupo sa hood nito. The moment na makita niya ako, tumalon ito mula sa hood at tumakbo papalapit sa akin. Madiin akong inakap nito na tumagal din ng ilang minuto. Hindi ko din napigilan ang sarili ko, I embraced him back.

"I missed you. I fucking missed you." Bulong nito sa akin under his cracking voice.

Napapikit lang ako sa sinabi niya and said, "Tangina kang gago ka!"

Inakap ko siya ng mas mahigpit and everything started there again. To be honest, may ineexpect akong marinig mula sa mga bibig namin pero hindi nangyari hanggang ngayon. Since then hindi na ulit nagkaroon ng girlfriend si Gabriel.

Hindi ko alam kung marerelieve ako o kung....

Next time ulit! Someone is knocking at the door.



Gelay 

The Potassium ChroniclesWhere stories live. Discover now