Chapter 10 - Bukas, Luluhod Ang Mga Tala

116 15 2
                                    

Dear Diary,

Kinausap ko si Andrea at Steffi na maki-ride lang sa gagawin ko and they both agreed. Although medyo disagree si Steffi dahil pwede naman daw na 'wag na lang siya biglang pansinin, todo suporta naman sa akin si Andrea dahil mukhang mas galit pa ito sa akin.

Kaninang umaga ko lang sinabi ang pinaplano kong gawin dahil magdamag ko din itong pinag-isipan. Pumasok ako ng magang maga ang mga mata at para hindi masyadong agaw pansin, sinuot ko ang salamin ko. Hindi naman kataasan ang grado ko kaya hindi ko madalas sinusuot.

Black rimmed ang glasses ko at paborito ko ito dahil bagay at sukat na sukat sa shape ng mukha ko.

Anyway, mukhang wala pang idea ang mga boys na alam ko na ang mga pasakalye nila at kahit kating kati na akong sapakin silang lahat, konting pigil pa ang ginawa ko.

"Girl kalma lang ha? Pero meron din akong sasabihin sa'yo after school. Kita tayo sa library. Let us work on Physics too. Promise, I will help you. Walang chismisan." Bulong sa akin ni Andrea.

Pagdating ko sa locker, andun ang usual na sticky note na madalas ilagay ng dumbass kong crush. Nakalagay pa, "I Miss You."

"Miss mo mukha mo!" sigaw ko sabay balibag ng locker.

Pagpasok ko ng classroom, as expected, meron nanamang anik ang upuan ko. May malaking clover chips na nasa upuan ko at isang sulat. Binuksan ko ito at may nakasulat na quote "No matter what they say, the best version of yourself is always you."

Dahil nagpapanggap nga ako na okay, kahit matigas ang mukha ko, I looked towards him and his barkada at ngumiti sa unusual na buka ng bibig ko –yung tipong kalahati ng mukha ko ang sinakop ng malaking ngiti na 'yon.

Mga tanga talaga sila, wala silang kaalam alam. But, in all honesty, medyo nabother ako sa sinabi ni Andrea na may kailangan siya sa aking sabihin.

But since meron akong misyon, it can wait hanggang mamayang uwian.

Paulit ulit na umaalingaw ngaw ang mga pagtawa nila sa akin. Nakadagdag pa doon, kasama nila si Gabriel sa halakhakan nilang mukhang enjoy na enjoy sila.

Kaya pala hindi ako masyado tinatalasan ng tingin ng ibang mga dating fans ko. Maliban sa nasilaw na sila sa ganda ko, mas nakakasilaw pala ang tawa ni Gabriel.

Hindi ko ugaling gumanti. Gusto ko nga gaga gaga lang ako at masaya na sana ako ng walang inaaway. Hindi ako palaaway. Maaring matakaw ako sa away pero dahil lang naman iyon sa mga inggit na inggit sa kagandahan kong angkin.

Pero sobra naman na ata ang ginawa nila sa akin. Inaano ko ba sila? Kahit mapagpantasya ako, hiningi ko bang ganituhin nila ako?

Lumapit sa akin si Gabriel at nginitian ako na akala mo nag-aral ng acting sa sobrang galing "Mamayang lunch sabay tayo ha?"

Tumango lang ako at sapilitang pinangiti ang sarili ko.

---

Mabilis na lumipas ang oras at dumating na ang lunchbreak. Hindi na ako dumaan sa locker room muna dahil alam kong puro ka-bullshitan naman ang nakalagay sa sticky note na madadatnan ko.

"Girl, pilitin mo namang kumalma. Malakas pa sa tambutso ang pag-usok ng ilong mo eh. Ikaw din, baka makahalata 'yang gagong 'yan." Bulong ni Andrea.

"Mauna na ako sa baba ha, para siguradong andun sila." Pero kahit yun ang sinabi ni Steffi, mabilis siyang hinawakan ni Andrea sa braso para pigilan.

"No, Steffi. Sabay sabay tayong pupunta doon. Walang use kung mauuna tayo doon o hindi. Lalo lang silang magtataka kung bakit nauna ka at hindi mo kami kasama. Chill okay?"

Tumango lang si Steffi na mukhang mas kabado pa sa akin.

"S-sorry. Kinakabahan kasi ako. Alam mo naman yan si Gelay hindi naman sanay makipagwarla 'yan."

"But this is not the time para isipin 'yon. She is acting on her freewill. Walang nagtulak nun sa kanya. Andito tayo para suportahan siya dahil mali naman talagang pagtripan siya ng ganun ganun lang." inis na sinabi ni Andrea.

Huminahon naman si Steffi hanggang sa marating na nga namin ang canteen.

Pagkakitang pagkakita sa amin ni Reinier, ngumiti ito at nagsabi "Ay mga tol tara na. lalablayp muna tropa natin." At nagalisan na nga sila sa lamesa na pinuwestuhan nila at naiwan na lang si Gabriel.

Shocks. Kahit galit na galit ako sa kanya, gwapong gwapo pa din ako sa kanya at para sa mga mata ko, he is not doing any harm. Na baka hindi totoo ang narecord ni Andrea at nakisakay lang siya sa mga trip nito. Parang gusto kong mag-back out.

"Don't even think about backing out." Bulong sa akin ulit ni Andrea na tila nabasa ang iniisip ko.

Lumakad pa ako hanggang sa marating ko ang lamesa na "pina-reserve" niya para sa amin. Mabilis na hinatak ni Andrea ang mga upuan at pinagitnaan ako habang kaharap ko naman si Gabriel.

"We are sitting here. You have no problems with that diba Gab? Kasi since gusto mo naman ang kaibigan namin, dapat siguro kilalanin mo din kami. That would save us time. You agree with me don't you?" wika ni Andrea na puno ng tamis ang ngiti. Magaling din pa lang artista ito.

"Oo naman, I was about to say the same thing na sana dito na kayo umupo. But since madami yung tropa ko sa kabilang table na lang sila. Would that be okay?" maayos namang sagot ni Gab na mukhang napapantayan ang acting prowess ni Andrea.

"Sige lang mag-usap kayo. Kakain lang kami." Mahinang sabi ni Steffi na hindi din mapakali.

Tingin lang ng tingin sa akin si Gab na akala mo napakalambing. Ilang beses na nga ako tinapaktapakan ni Andrea dahil para akong nadadala sa mga ngiti ni Gab na parang gusto ko na lang kalimutan ang lahat.

Until hinawakan na ni Gab ang kamay ko "I really had fun walking with you yesterday. I was wondering if... pwede pa bang maulit? Kahit isama mo si Andrea and Steffi, I don't mind."

Ramdam ko ang pamumula ko pero sumagot lang ako ng ngiti kay Gab.

"Gel, hindi ko alam kung papaano ko 'to sasabihin kasi andito si Andrea and si Steffi but magandang chance na 'to para sabihin ko sa'yo ang totoo sa harap nila para makita din nila na maganda ang intensiyon ko." Nakahawak pa din si Gab sa mga kamay ko at titig na titig sa mga mata ko na parang nagmamakaawa.

"Ha? Intensiyon? Diba dapat sinasabi mo 'yan sa mga magulang ko? Yung pupunta ka ng bahay tapos aakyat ka ng ligaw? Mukha ko bang nanay si Andrea tsaka si Steffi?" sagot ko.

Cute na tumawa si Gab "Palabiro ka talaga. But you know, I really... I really like to know you more, spend more time ---"

At pinutol na ni Andrea ang sinabi ni Gab "Bago mo ituloy 'yang drama mo, ipaliwanag mo muna 'to"

Binato ni Andrea ang cellphone niya sa gitna ng lamesa namin at nag-play na ang magkasunod sa recording na nakuha niya nung nakaraang araw. Habang naririnig ko ang dalawang recording, tumahimik ang paligid namin.

Bawat salita at tawa na narinig ko sa recording, unti unting umakyat ang mga luha sa mata ko but I refuse na tuluyan itong bumagsak.

Nanumbalik ang galit ko kay Gab hanggang sa hindi ko na napigilan.

Tinapon ko sa mukha niya ang juice na binili ko at binigyan siya ng isang malakas na sampal. Masasabi kong nagulat ang lahat dahil tusok na tusok sa akin ang matatlim na mga tingin ng ibang mga tao na nasa canteen.

I gave Gab one last glance at padabog akong umalis.



Hindi na makapag-inarte,

Gelay

The Potassium ChroniclesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt