Chapter 20 - Kenekeleg

60 7 0
                                    

Dear Diary,

Alam ko na ngayon na grabe ang lakas ng kamandag ko sa opposite sex. Damang dama ko. Deh joke lang.

Actually, today is quite happy and sad. Kahapon kasi pag-uwi ko, napakalkal akong ng mga gamit ko and I stumbled on a big, blue memorabilia box na may laman ng kung anu anong napagkukuha ko sa lamesa ko, sa locker ko at sa bag ko.

One by one, I am flipping the sticky notes na nagkadikit dikit na pati ang ilang mga letters na nasa white envelopes. Even the recording na kinopya ni Andrea sa cd andun din.

May isa akong napagtanto at mabilis kong hinaltak palapit sa akin ang bag ko at kinuha ang ilang post-it notes na inabot nila sa akin nung nagkaroon ng "sticky notes barrage" sa school.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil pwede ko na ma-confirm kung sino talaga ang naglalagay nun sa locker ko. I am wishing for a certain person and meron na akong kutob kung sino pero ayoko na tamaan ng pagiging Potassium.

Bahagyang nanginginig ang kamay, mabilis ang tibok ng puso, pinagtabi ko ang mga ito sa mga sticky notes na nakukuha ko sa locker ko. Kinumpara ko ang penmanship ni Andrea, Richard, Gabriel at Isaac.

Shit, walang tumugma! As ing wala. Maliliit at hiwahiwalay ang penmanship ni Andrea. Si Richard naman, hiwahiwalay pero payatot ang mga letters. Si Gabriel, dikit dikit ang sulat na konti na lang hindi mo na maiintindihan. At ang kay Isaac, dikit dikit na mistulang pirma ang bawat stroke ng sulat. Yung kay Steffi, cutesy cutesy ang sulat na may heart heart pa.

So sino nga ito?

Maya maya pa, may nag-doorbell. Natural, bumaba ako at naglakad papalapit ng gate.

May nakita akong isang lalaking naka-cap, naka-uniporme at may dalang messenger bag.

"Bakit po kuya? Sino po ang hinahanap nila?"

"Andiyan po ba si Miss Angelica Deogracias?"

"Ako po 'yon. Bakit po?"

Inabot nito sa akin ang isang maliit na latang may designs at blue na sticky note na nakadikit sa ibabaw.

"Pasensya na po ma'am kung late na po na-deliver. Madami po kasing deliveries ngayon. Paki-sign na lang po."

Pumirma naman ako. Pagkatapos nun, umalis na si kuyang delivery guy at naiwan akong nakatanga sa gate at titig na titig sa note na nasa lata that says:

Open this after the ball. Please. Remember: AFTER THE BALL.

Alam mo yung feeling na putakte talaga, sana nakuha ko na lang ito after ng ball. Hindi yung paiikutin pa ng taong iyon ang tumbong ko at mananatili itong isang malaking temptation sa akin!

Kinalog kalog ko ang lata para siguruhing hindi bomba ang laman. Mukhang mga papel lang ito at kung anu ano na ang pumasok sa isip ko. Baka letter, resibo ng kung ano and whatever.

I took just one more glance at the beautiful tin can and sighed, "Fine. After the ball then."

Hindi pala kenekeleg,

Gelay

The Potassium ChroniclesWhere stories live. Discover now