Chapter 30 - Something's Never Changed

71 6 2
                                    

A/N: Patikim po muna ito bago ko ipost mamaya ang remaining chapters. Meron lamang po akong ineedit so stay tuned! <3

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dear Diary,


Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay ako. Apparently, nag-usap kami ng maayos ni Isaac pero pinakita ko talaga sa kanya na gutom na gutom ako at siya ang pinagbayad ko ng mga kinain ko. Kumain din naman siya pero hindi kami nag-uusap nung una. Hinang hina na ako kaya kailangan ko ng energy. Kahit galit ako, fine. I will hear him out. Mamaya ko na iisipin ang kay Gabriel. For now, kakalimutan ko muna siya.

Hindi kami doon nag-usap sa Max's. Hindi naman ako nag-beastmode. Baka sabihin naman niya, nagtandaan na kami, tsaka pa ako nawalan ng modo. Besides, he is here for an explanation. I know I have to face him. Kahit ineexpect kong bukas pa kami dapat magkikita, na honestly, iniisip kong hindi siputin.

He was gentleman enough and said, "Please let me find a condusive place for us to talk."

We were silent the entire trip. Hindi namin kasi alam kung paano maguumpisa eh. He drove all the way to Tagaytay. Yes! TA-GAY-TAY! Takte talaga tong lalaki na 'to hindi na namili.

After niya umorder ng mga kape namin, naupo siya sa harapan ko. He shyly smiled and started the conversation with a, "You've changed quite a bit."

"Thanks. But nothing bad I hope?" sagot ko.

"You've gotten very pretty to be honest."

"Thanks. That goes for you too." Open ended ko namang sagot. Alam ko naman kasing maganda ako eh. Joke lang!

Then another silence enveloped the area around us. Grabe ganito pala talaga ang feeling. Noon tuwing naiisip ko siya, andami kong gusto sabihin, andami kong gusto itanong. Pero ngayon, I am simply out of words. Yung parang... it just doesn't matter anymore.

"Let me start by saying the most cliché of things. I am very sorry."

Ayun na. Naglitawan na ang mga nangyari ulit sa utak ko. At ito nanaman ang nararamdaman ko. Ang pagsosorry niya ang naging conversation starter kumbaga.

"Hindi ko maintindihan Isaac. Bakit ngayon ka nagpakita? Bakit ngayon na hindi ko na kailangan marinig ang mga paliwanag mo kung bakit bigla ka na lang umalis after mo sabihin ang mga iyon? Ngayon pa na tinanggap ko nang hindi ako worth the explanation? Ngayon pa na medyo okay na ako? Iniwasan na kita. Bakit by the looks of it, you and Gabriel planned this day. Bakit Isaac?"

Isaac looked down. He certainly changed. Isaac don't do that before.

"That is exactly the reason why I know I have to see you. Again, I am very sorry. Walang hindi totoo sa sulat na binigay ko sa'yo noon. Pinangunahan ko kasi ang mga pwedeng mangyari. Aaminin ko that I was so calculative that I end up messing up things even more. Yun lang talaga ang dahilan. Natakot ako that most LDR relationships na naririnig ko doesn't work. I won't be by your side for a long time and just by thinking na meron akong naiwan na nag-iintay sa akin is already so painful. I was very selfish too. Kasi alam ko madidistract ako. Inisip ko na baka hindi mo kayanin na hindi tayo halos makakapagusap and that... natakot din ako na baka may maisip at masabi akong hindi maganda dahil Gabriel is here."

Napatingin ako sa sinabi niya. Nagbago talaga siya. Never ko siyang naringgan ng ganito kahabang explanation. Sa totoo lang, gustuhin ko mang magalit, pero bata pa kami noon kasi and maiisip namin pareho 'yon na later on magkakalayo kami. Kaso ang hindi ko lang matanggap, yung dahilan niya kasi is convenient lang para sa kanya.

The Potassium ChroniclesWhere stories live. Discover now