Chapter 16 - Yihee! May Nagsosolo!

104 10 5
                                    


Dear Diary,


There's been too much of a revelation kahapon. Hindi ko kinaya. Biglang nag-iba ang tingin ko kay Isaac. Hindi ko ma-explain kung naiilang ba ako, natatakot, nalilito, natutuwa or nabibigla.

Natapos ang pag-uusap kahapon na wala namang ma-e-expel. Pero sa isang kundisyon, any kind of harm that will be inflicted to a fellow student will automatically vouch them for expulsion. Lahat ng girls paglilinisin nila ng CR araw araw at lahat ng mga kadiring parte ng school kung gusto nila maka-graduate. Ang mga boys naman ang maglilinis ng school grounds at ang mag-aayos ng mga baradong lababo sa campus kung meron man.

And on Saturdays, kailangan pumunta ng mga girls sa sinusuportahang charity ng school para tumulong at ang mga boys naman, will do community service. Sila ang ipapadala ng school sa mga connections namin sa labas para mag-paint ng mga dingding, magwalis sa kalsada at kung kakailanganin, sasali sila sa ilang missions kung saan magre-rescue sila ng mga stray dogs.

Napakarami nilang umalma pero isa lang ang sinabi ni Isaac na ikinatahimik nilang lahat, "Walang problema sa amin. But you see, these are your letter and notices for explusion, except of course, Ms. Deogracias, and we can send this to your parents not later than two hours. Your choice."

He is full of authority. Hindi na ako magtataka kung bakit siya ang napili ng mga teachers kasi una na ang matalino siya. Para sa akin, actually matalinong matalino siya. Pangalawa, even under pressure, meron pa din siyang sound mind and judgment. Wala ngang apela from the teachers during that meeting eh. They all seem to trust and agree with him.

Kaninang umaga, tinopak ako kasi nakakita nanaman ako ng blue na post it note. Tanginumin nga naman, hindi ba talaga siya titigil?!

Nakasulat kasi, "I hope we can still go out some time?"

Ang kapal talaga ng mukha! Sobrang kapaaaal!

Binagsak ko ang pagsara sa locker ko at lumitaw sa gilid ko si Richard. Ngingiti ngiti at nagwi-wiggle wiggle pa ang kilay.

"So anong isasagot mo diyan?" panunukso nito.

Nag-init ang mukha ko. Senyales ito na namumula na din ako, "A-anong i-sa-sagot ko naman dito? Matapos niya akong paglaruan at pabayaang magulpi sa tingin mo anong isasagot ko?!"

Naningkit ang mata nito at bahagyang kinamot kamot ang baba niya, "Hmmm, I don't think we have the same person in mind."

Natigilan ako, "Anong ibig mo sabihin?"

Yumuko ito on my eye level, "Sino ba ang tinutukoy mo? Si Gabriel ba?"

Hindi ako sumagot. Baka kasi pakana nanaman ito ng kung sino at ginagamit lang si Richard na front or whatever.

"Oh. Silence means yes. Sigurado ka bang kay Gabriel nanggaling 'yan? Think about it. Kung dahil diyan nagkaroon ng gulo that even led into something like explusion, do you honestly think gagawin pa niya 'yan? Malamang diba dapat maaasar siya sa'yo? So I don't get it bakit si Gabriel ang iniisip mong nagdidikit niyan diyan." Tumayo ulit si Richard at sinara ang locker niya.

"Maybe this is the only way that he can talk to me."

Tumango tango si Richard "Kunsabagay may point ka."

Ano bang ibig sabihin nitong Mr. Laway este Mr. Pawis na ito?

"So alam mo kung sino ang naglalagay nito dito? Sabihin mo sa akin."

Bago umalis, nag-iwan ito ng isang paalala, "Real men don't kiss and tell. If I were you, open your eyes. Feel your surroundings. Dahil good girl ka, bibigyan pa kita ng isang hint. Ang taong nagdidikit niyan at ang taong nag-dedecorate ng upuan mo is just the same person."

The Potassium ChroniclesWhere stories live. Discover now