Chapter 17 - Sino Ba Talaga?

113 8 1
                                    

Dear Diary,


Kaninang umaga, may nakadikit sa locker ko ulit na isang blue na post it note at isang puting rose sa tabi nito gamit ang isang clear tape. Nakadrawing ang isang sad face at isang smiley sa post it note na sa tingin ko, at dahil sa kutob ko, mukhang kay Richard galing.

"Uuuy... Ang ganda ng kaibigan ko. Ang sarap sabunutan." Bati sa akin ni Andrea.

"Ayoko na nga ito pansinin. Dalang dala ako nung kay Gabriel. Feeling ko parte lang ito ng trip trip. Nga pala--" pinutol ni Andrea ang sasabihin ko dahil parang alam na niya ang isusunod ko.

"Yeah yeah yeah, may utang akong paliwanag sa'yo." ngingiti ngiti niyang sabi.

Pag-akyat namin sa classroom, nanumbalik nanaman ang isang festival sa upuan ko. Meron itong mga transparent balloons at isang ga-higanteng Hershey's chocolate sa ibabaw ng mesa ko.

Maya maya, lumapit sa akin si Richard. Takte parang nagbago siya overnight! Ang ganda ng gupit ng buhok at nagba-bounce pa ito sa bawat pagyabag niya. Shocks! Hawig niya si Victor na character sa Yuri On Ice! Para talaga siyang anime na nabuhay!

Napalunok ako sa nakikita ko. Lumapit ito sa akin at nag-abot ng rose sabay sabi, "Thank you for accepting my invitation to be your date. I am not the mysterious type kaya I am coming upfront to tell you that I appreciate it."

Nakarinig ako ng mahihinang tilian. Isang malakas naman na hampas ang natanggap ko kay Andrea at siniko naman nito si Richard, "Ang gwapo mo talaga Vice!"

WTF?! Vice?! You mean he is the Vice President? Tama ba? Or Vice as ing bisyo?! Dinagdag ko itong tanong na ito sa listahan ng mga itatanong ko kay Andrea.

So meaning, malaki ang possibility na siya nga talaga?

Ngumiti ako at tinanggap ang rose. Umalis na ito at bumalik na sa upuan at nagbasa na ng lesson namin.

Meanwhile, nang mag-first break kami, tahimik akong naglalakad nang bigla akong harangin ni Gabriel! Takte talaga! Mabilis na naghalu halo ang mga nararamdaman ko kaya mabilis kong dinukot ang cellphone ko para humingi ng resbak kay Andrea.

In a flash, hawak na ni Gabriel ang kamay ko, pinipigilang kunin ang cellphone at nakatingin sa mga mata ko, "Please, I am begging you. Kausapin mo naman ako. This is killing me."

"Ha?" dumbfounded, ito lang ang naisagot ko.

"Please, 'wag mo na silang tawagan. Gusto lang kitang makausap. Hindi lang ako makahanap ng tamang oras pero alam kong alam mo din na kailangan natin mag-usap."

Naalala ko ang mga tawa nila ng mga barkada niya pati ang araw na ginawa niya akong negosyo para makabili ng kung anumang game iyon. Aaminin kong talagang crush na crush ko siya noon pero nangibabaw ang galit ko sa kanya.

I roughly shove my hands off, "No."

"Gelay please. Hindi ako nanggugulo. Gusto ko nga magpaliwanag." Pilit ni Gabriel.

At nagtinginan nanaman ang ilang mga babae sa amin mula sa iba't ibang section. Inikot ko ang mga mata ko sa kanila at ibinalik ang tingin kay Gabriel, "See? Inalis ko lang ang sarili kong kamay sa pagkakahawak mo, nakikita mo ba ang mga punyemas na mga mata ng mga tao sa paligid? Parang ako pa ang may kasalanan! Wala tayong dapat pang pag-usapan dahil hanggang ngayon, hindi pa din kita napapatawad!"

Aalis na sana ako pero hinaharangan ni Gabriel ang daan, "Exactly. Iyon na nga ang dahilan eh. Alam kong galit ka sa akin. Gusto ko magpaliwanag."

"What makes you think na maniniwala ako sa mga sasabihin mo? Wala na akong tiwala sa'yo. Bakit? Binabagabag ka ng konsensiya mo? Hindi ka makatulog dahil sa ginawa mo sa aking kupal ka?" galit kong sabi kay Gabriel.

The Potassium ChroniclesWhere stories live. Discover now