Ako kasi, alalang-alala ko pa. Hindi ko na ata makakalimutan yung pangyayari na yun. Dun kasi nasubok yung grupo namin. Alam kong alam mo kung ano yung pinagdaanan namin. Andun ka eh. Sinabi ko sa'yo. Kasi girlfriend kita. Fan ka.



  



  "Hyung, nasa'yo ba yung cellphone ko? Nandito lang yun kanina, eh." tanong ko kay Kyungsoo hyung.

    
K

anina pa kasi nawawala yun. Bago kami dumating dito sa SM building, nakalagay pa yun dun sa bag ko. Wala namang gumagalaw ng gamit namin eh. Ngayon lang 'to. Bakit kung kelang papaalis na kaming Exo-K para magpromote sa M Countdown, tsaka pa nawala.

   
Tinaasan ako ng kilay ni hyung, "Ano'ng gagawin ko sa cellphone mo, eh meron ako nyan?"

   
Napa-kamot na lang ako sa ulo ko. Ganyan talaga si Kyungsoo hyung. May mga pagkakataon talaga na pilosopo at sobrang pilosopo siya. Sanay na kaming lahat.

  
"Hyung naman eh. . ." sagot ko bago ako umalis sa harap niya.

   
Asan na ba kasi yun? Kailangan na kitang tawagan oh. Kaninang tanghali ko pa huling narinig yung boses mo. Madalang na nga tayong magusap tapos ganito pa.

  
"Yah! Sehun!" Nilingon ko si Kyungsoo hyung na tumawag sa'kin.

  
"Bakit?"

  
"Asan na cellphone ko?! pinagtitripan mo ba 'ko?"

   
Sinimangutan ko si hyung, "Hala, hyung. Ano'ng gagawin ko sa cellphone mo? Meron ako nun eh," sagot ko na ginaya yung sinabi niya sa'kin..

   
Tumawa ako at sinimangutan lang ako ni Kyungsoo hyung. bago pa siya makapagsalita ulit, bigla kaming tinawag ni Manager hyung para magkumpulan.

   
"Ano'ng meron, hyung?" Nakangiting tanong ni Chanyeol hyung kay manager.

  
Tinignan ko si manager hyung at napansin kong ang seryoso ng mukha niya. Ano kayang meron? Nawawala din ba cellphone niya?

    
"Guys, nakita niyo ba cellphone ko? Nawala sa bag ko eh, may hinihintay pa naman ako'ng tawag—"

   
Pinutol ni manager hyung yung sasabihin ni Baek hyung. "Tungkol do'n. . ."

  
Ano'ng tungkol daw sa mga cellphone namin? Siya ba nagtago? Bakit naman itatago ni Manager hyung, eh hindi naman bawal yun? Ano yun, malakas lang trip niya ngayon? Hyung talaga oh.

   
Pero napatigil ako sa sumunod na sinabi ni manager. . .

   
"Kinuha ng SM staffs yung cellphone niyong lahat." aniya.

   
Sunod-sunod at sabay-sabay ang mga sinabi namin. Puro bakit, paano, ano'ng meron, ano'ng kailangan nila sa cellphone namin lang ang maririnig.

   
"Hyung, bakit nila kinuha? Hindi man lang sila nagpaalam?" Malumanay na sabi ni Suho hyung.

  
"Personal na pag-aari naman namin yun, hyung. Tapos kinuha pa nila ng hindi namin alam?" ani Kris hyung.

   
Napansin kong kalmado lang si Suho hyung samantalang mukhang naiinis naman si Kris hyung sa ginawa nila sa amin. Hindi ko masisisi si hyung. Kahit ako, naiinis ako. Sino ba namang hindi, diba? Kinuha nila yung personal na gamit namin at wala kaming ka-alam alam. Sumosobra na sila eh.

Oh Sehun's ChildWhere stories live. Discover now