CHAPTER 32: Love Over Friendship

Magsimula sa umpisa
                                    

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at marahas na hinawakan si Justin sa kaniyang kwelyo.

"Bro, sumusobra ka na. Huwag na huwag mong pagsalitaan ng ganiyan si Mary kung ayaw mong magkatalo tayo," pagbabanta ko.

Pinipilit ko lang kalmahin ang sarili ko dahil kaibigan ko sila. Pero sa sandaling pagsalitaan nila ulit ng hindi maganda si Mary ay kalilimutan ko ang ilang taon naming pinagsamahan.

"Chris, kalma lang. Magkakaibigan tayo rito," pag-awat sa akin ni Peter kaya pabalya kong binitiwan si Justin.

Muntikan pang mapasubsob sa sahig si Justin sa ginawa ko. Mabuti na lang at nasalo siya nina Ryan.

Hindi ko maiwasan ang mas magalit dahil sa sinabi ni Peter. Tama siya. Magkakaibigan kami kaya dapat nilang tanggapin o irespeto man lang ang babaeng mahal ko lalo pa't wala namang ginagawang masama sa kanila si Mary. Walang dahilan para hindi siya matanggap ng barkada.

"Huwag ako ang pagsabihan mo, Peter." Inis kong itinuro sina Justin na ngayon ay magkakatabi na. "Sila ang pagsabihan mo. Kung laitin nila si Mary ay para bang hindi kapani-kapaniwala at imposibleng magkagusto ako sa kaniya."

Katulad ng sinabi ko ay binalingan ni Peter sina Justin para kausapin.

"Justin, just keep your mouth shut. Kaibigan ko rin si Mary at hindi tamang pagsalitaan mo siya ng ganiyan. You should learn to respect her," mariing wika ni Peter habang hawak pa rin ako sa braso ko.

"I'm sorry, bro. Nabigla lang ako," nakatungong paghingi ng tawad ni Justin.

"But, bro, are you really serious about her? She's a complete opposite of your ideal girl. Baka naman na-cha-challenge ka lang talaga sa kaniya?" nagdududa pa ring tanong ni Stanley.

"Stanley has a point, bro. You know, we can cancel the game kung hindi mo kaya. Just don't lie and don't make fun of us. I know you're just kidding, bro. Imposibleng magustuhan mo siya," gatong naman ni Ryan.

Naikuyom ko na ang kamao ko sa sobrang pagpipigil ko sa sarili ko na sugurin sina Stanley at Ryan.

"Bro, I'm dead serious. Kaya tototohanin ko na ang kung ano mang mayroon kami ni Mary. I'm going to court her whether you like it or not. And if you can't respect her, just please respect my decision for the sake of this friendship," mariing sagot ko na may bahid na ng pagbabanta.

Ipaglalaban ko si Mary sa kahit kanino at sa kahit anong paraan. Handa akong piliin siya kaysa sa ilang taong pinagsamahan naming magkakaibigan.

"We can't promise you that. But I can promise you one thing. Hinding-hindi ko hahayaan na masira ang pagkakaibigan nating lima. Hindi iisang babae lang ang makakasira sa atin. Keep that in mind," mariing wika ni Justin na para bang may iba siyang pakahulugan sa sinabi niya bago siya umalis ng condo.

Parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga binitiwang salita ni Justin. Kung ano man ang sinabing 'yon ni Justin ay isa lang ang alam ko sa mga oras na ito. Itutuloy ko pa rin ang panliligaw ko kay Mary kahit pa hindi sila sang-ayon dito.

"This friendship will lasts forever no matter what," dagdag pa ni Stanley saka siya sumunod kay Justin palabas.

"Marami na tayong pinagdaanan nang magkakasama. Hindi tayo basta matitinag ng kahit ano o sino. Alam mo 'yan," pahabol na sabi ni Ryan saka siya umalis.

The Revenge of a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon