Prologue

59 10 4
                                    

THIRD PERSON VIEW

Sa loob ng isang gubat ay may isang batang babae na mabilis na tumatakbo. Itim ang kanyang buhok na maikli, itim ang mga matang puno ng lungkot at galit, maputlang balat na dahil sa lamig at lakas ng ulan, at ang kanyang itim na damit na parang shinigami ang style sa bleach.

Hindi kalayuan ay may maririnig ng mga tinig na para bang may hinahanap at iyon ang mga taong balak syang hulihin.

"Hanapin nyo yung batang iyon! Kailangan syang mahuli patay man o buhay!"
Sabi ng isa sa mga tinig at hindi maiwasan ng batang babae ang magalit.

"Pagkatapos nilang patayin ang taong mahal ko..... Sa tingin ba nila magpapahuli pa ako."
Sabi ng batang babae sa kanyang isip at umakyat sa isang puno.

Hindi napansin ng mga taong humahabol sa kanya na nasa itaas lang nila ang batang babae.
Makalipas ang ilang minuto ay gumalaw na ang grupong humahanap sa batang babae na tila ba sumuko na sa paghanap sa lugar na iyon.

"Maghiwa-hiwalay tayo para mahanap ang batang iyon."
Sabi ng isa sa mga humahabol sa batang babae na sinangayunan ng iba.

Nagsialisan na ang mga humahabol sa batang babae, kaya tumalon pababa ang batang babae sa lupa. Pagkababa ng batang babae ay tumakbo sya papalayo sa lugar na iyon upang hindi sya mahuli.

Makalipas ang ilang minutong pagtakbo ay huminto ang batang babae at naiyukom nya ang kanyang kamao.

"Totoo ka ba talaga?"
Tanong ng batang babae at tumingala sa kalangitan.

"K-kung totoo ka? Bakit?! Bakit mo kami pinabayaan?!!"
Sigaw nya kasabay ng malakas na pagkulog at pagkidlat.

Hindi maiwasan ng batang babae ang umiyak dahil na rin sa kanyang nararanasan, napaluhod sya sa putikan at niyukom nya ang kanyang kamao.

"Ahhhh!"
Sigaw ng batang babae at yumuko sya.

"Magbabayad sila..........pababagsakin ko sila."
Sabi nya at iniangat nya ang knayang mukha at tumingin sa kalangitan ng masamang tingin.

"Ipinapangako kong iisa-isahin ko sila.........mamatay man ako."
Sabi nya at ang sama pa rin ng kanyang mga mata.

Tumayo na sya kasabay ng pagtila ng ulan, kahit na basa ang batang babae ay wala syang pakialam at nagsimula nang maglakad. Alam ng batang babae na wala na ang humahabol sa kanya.

Habang naglalakad ay hindi namalayan ng batang babae na nasa kalagitnaan na sya ng highway, sakto naman na may kotse na mabilis na pinapaandar ng driver. Biglang napapreno ang kotse na dahilan ng paghitong batang babae sa kanyang paglalakad at nilingon ang kotse na ilang inches ang layo sa kanya.

Biglang bumaba sa driver seat ang isang matandang lalaki at dali-daling lumapit sa batang babae.

"Bakit kaba nandyan? Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo na bago tumawid ay tumingin muna kung may sasakyan! Pano na lang kung mabangga kita?"
Sabi agad ng driver na binalewala ng batang babae.

Inside In Her MaskWhere stories live. Discover now