Kabanata 45

12.9K 292 74
                                    

Case

The small voice caused everything to stop. Mula sa paghinga, pagkurap, at ultimong pagtibok ng puso ni Saniela ay huminto. Pinanlamigan siya ng batok at namawis ang noo. Hindi siya makagalaw. Para siyang tinakasan ng dugo sa pagkaputla.

Her startled eyes glued to his bewildered ones. Habang magkatitigan sila ay nasasalamin ni Saniela ang pagkagitla sa mga mata nito. Unti-unting kumunot ang noo ni Keegan at bumitaw ang mga kamay sa kanya.

Na-alarma siya.

"Mama!" tiny voice filled the place once again.

Sabay silang napalingon sa may entrada ng pinto kung saan nakatayo si Kajel na malaki ang pagkakangiti, ngunit mabilis iyong naglaho at napalitan ng gulat ng makita kung sino ang kausap niya. Kajel's round eyes dilated as he gasped loudly. Nabitawan nito ang hawak na stuff toy na si stitch.

Keegan on the other side halted to his spot. Nabibigla ang itsura nito habang sinasalubong ang mga pares ng mata na kagaya ng kanya.

"K-Keegan..." nanginginig na tawag ni Saniela rito. Sa sobrang hina ay ultimong boses niya ay hindi niya narinig.

She tried to reach his hand but she's too weak to do so. Nanlalambot siya. Sobrang kaba ang nararamdaman niya sa nakikitang pagka-tensyon ng katawan ni Keegan. She knew this time would come but she didn't knew it was this surprising, nerve-wracking, with a mixture of excitement and delight. Para siyang mangangatal sa halo-halong emosyong nararamdaman.

"Fuck..." hindi mapigilang mura ni Keegan sa mahinang boses. Nang marinig iyon ni Saniela ay awtomatikong nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan. She felt a sudden panic.

"Papa ko!"

Nagtatakbo ang sobrang saya at malaki ang ngiting si Kajel patungo sa papa nito. Nakadipa ang mga kamay na tila sabik yumakap at magpayakap.

"Papa ko..." kumawala ang isang masayang hagikgik sa bibig nito ng yumakap ang mga maliliit nitong braso sa bewang ni Keegan.

Keegan looked down with astounded eyes and gaped mouth. Hindi ito makapaniwala sa nakikita. Para siyang tuod na basta nalang nakatayo habang may maliliit na mga kamay na nakapa-ikot sa kanyang bewang. His heart beats like it's in a race. Para iyong kakawala sa katawan niya sa sobrang lakas at bilis ng pagkalabog niyon.

Habang si Saniela naman ay panay ang paglunok na ginagawa. Pinagtagpo niya ang nanginginig na mga kamay at pinisil iyon. Nagsisimula na rin siyang maluha.

"I miss you, Papa..." malambing na ani ni Kajel habang nakatingala kay Keegan. Matamis itong ngumiti.

Saniela never saw her son this happy. Iba ang ngiti nito ngayon. It's so heartfelt and full of joy. Akala niya ay iiyak ito ngunit mukhang nagkamali siya. Walang kababakasan sa mukha at mga mata ni Kajel kundi purong kaligayahan.

"Keegan..." banggit niya sa pangalan nito. She bit her lip. Wala siyang nakuhang responde mula rito sa halip ay inangat nito ang anak nilang nakataas ang mga kamay na tila nagpapabuhat.

"Up! Up!" bahagya itong nagtatalon.

Saniela's heart melts as Keegan held their son in his arms. Puma-ikot kaagad ang mga kamay ni Kajel sa leeg ni Keegan habang matamis pa ring nakangiti. Mukhang hindi na iyon mabubura pa.

"Papa, bakit ngayon ka lang dating?" sandaling ngumuso ang mga labi ni Kajel. "Tagal kitang hinintay, e."

Keegan stared warmly and deeply to his little replica. Hindi siya makapaniwala sa hawak-hawak at buhat-buhat niya. Ilang beses siyang napapamura sa isip at nagpapahinuhang hindi ito isang panaginip lang. Napalunok siya habang nakasalubong ang mga mata sa mga matang kaparehas ng kanya.

Without Doubtजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें