Kabanata 17

11K 237 81
                                    

Surfing

"Mine!" Sigaw ni Heidi at itinira ang bola ng volleyball na bumaba sa direksyon nito.

They are playing beach volleyball. Five versus five ang labanan. Magkakagrupo sina Keegan, Saniela, Heidi, Chase, at Hendrix, habang sa kabilang grupo naman sina Lira, Pols, Lio, Gabriel, at Bryle.

Tumalon si Chase upang i-spike ang bola na mabilis lumagapak sa buhangin sa kabilang team. Sabay-sabay na naghiyawan ang grupo nila Chase.

"Ang natalo maglilibre mamaya ng dinner." Ngisi ni Chase.

17-15 na ang score, first set, in favor of Keegan's group. Kaunti lang ang lamang kaya mabilis at malakas ang loob na pumayag si Lio.

Hinampas ni Bryle ang bola patungo sa kabilang team para ibigay kay Keegan na siyang magseserve. Keegan tossed the ball and spiked it with force as he jumped. Si Pols ang nag-receive na agad napunta sa kabilang grupo. Napaatras pa ito dahil sa malakas na pwersa ng pagbagsak ng bola.

Mahina itong tinira ni Saniela at siniklot ni Chase. Hendrix jumped and forcely spiked the ball na nagawang tirahin ni Gabriel na napaupo pa ngunit mabilis ding tumayo.

Lira tossed the ball and Lio spiked it, nagawa naman itong tirahin ni Keegan. Nailipat ni Hendrix ang bola sa kabilang grupo at si Bryle ang nakatira. Pols pitched the ball and Lio again spiked it. Kaagad iyong sinalo ng tira ni Heidi. Hendrix spiked it. Nagawa itong itira ni Gabriel pero sumabit lang sa net.

Keegan's team yells in glee. Nagsi-high five ang mga ito at binelatan pa ni Heidi si Lira na pabirong umirap.

"18-15!" Anunsiyo ni Chase.

Nagpatuloy ang laro na nagkanda-subsob pa ang ilan sa kanila.

"Tang'na, Basilio! Duling ka?" Bulalas ni Bryle sa kagrupong si Lio.

"Ulol!"

Sa huli ay nanalo ang team nina Keegan. Saniela laughs as she jumps into Keegan na mabilis namang sinalo ng huli.

"Mukhang mapaparami ang kain ko mamaya." Ngisi ni Chase.

"Akala ko bang diet ka?" Pinagtaasan ito ng kilay ni Pols.

"Nagbago na ang isip ko." Sabi rito ni Chase at mahinang humalakhak. Naputol ang pagtawa nito ng may tumamang bola ng volleyball sa kanyang balikat na inihagis ni Lio.

"Ulol mo! Porke libre ang pagkain, diet ka na? Iba ka Chase Lawson Buenavides!" Turan ni Lio.

Sinamaan ito ng tingin ni Chase at itinaas ang gitnang daliri. "Ito ka Basilio, oh. Ito ka."

Alas-siete ng gabi ng magkayayaan na silang maghapunan. Nasa camp site silang lahat at naghahanda. Nagsusuot ng kulay abong long sleeves si Bryle ng lumabas ito ng tent. Si Hendrix naman ay nakatutok sa DSLR. Si Heidi ay itinatali ang buhok habang si Lira naman ay nagpapahid ng lipstick sa labi.

"Bakit ka pa naglalagay niyan, eh mabubura rin naman mamayang kakain tayo." Puna ni Gabriel kay Lira.

Umirap ang huli at tinaasan ng kilay ang lalaki. "Alam mo pa sa'kin, Gabriel Telesforo."

"May powerbank ka, Chase?" Tanong naman ni Lio kay Chase na nakahiga sa loob ng tent at nag-ce-cellphone.

"Yes, tignan mo nalang sa bag." Sagot nito ng hindi inaalis ang tingin sa hawak.

Lumabas ng tent si Saniela kasunod si Keegan na inaayos ang pagkakatiklop ng manggas sa suot nitong kulay maroon na long sleeved shirt. Nang matapos sa ginagawa ay marahan niyang hinawakan sa braso si Saniela at iniharap sa kanya.

Without DoubtWhere stories live. Discover now