Kabanata 16

12K 263 52
                                    

Zambales

"Thank God midterm week's finally done!" Halinghing ni Heidi pagkalabas nila ng silid kung saan isinagawa ang huling subject ng exam nila.

"Excited na ako sa getaway natin bukas!" Lira beamed.

Gaya ng napag-usapan, pupunta sila bukas ng Zambales. Bukas ng sabado ng umaga ang alis nila at mananatili sila doon hanggang Lunes ng hapon.

Napag-usapan na nila kahapon ang mga dadalhin at iba pang mga kailangan. They settled on riding a van dahil ang gusto ng karamihan ay nasa iisang sasakyan lang sila, and Bryle will be driving. Dadaanan nalang sila nito isa-isa bukas ng alas-sais, tutal naman ay hindi ganoon kalalayo ang mga bahay nila.

Naglalakad sila ng hallway ng makita sina Lio na nakatambay sa isa sa mga shed na nakahilera sa gilid ng building nila. Pols is with them. Nangunot ang noo ni Saniela ng hindi makita si Keegan.

Hindi niya ito pinapasok noong Miyerkules ng lagnatin ito noong Martes. Kahapon lang ito pumasok kaya apat na subject ang in-exam nito.

Lumapit sina Saniela kina Lio ng tawagin sila ng mga ito.

"Si Keegan?" Bungad na tanong niya.

Nagkibit-balikat si Lio. "Nauna siyang natapos, eh. Alam namin na hihintayin ka no'n kaya dito kami nagpunta. Ewan lang kung nasa'n ang gagong 'yon ngayon."

Eksaktong tumunog ang cellphone na hawak ni Saniela matapos ng sinabi ni Lio.

Keegan Joaquin:
Parking lot, love.

"Nasa parking lot na raw si Keegan." Aniya matapos mabasa ang mensahe nito.

"Mauna na kayo?" Tanong ni Chase.

Tumango si Saniela. "Yeah,"

"Alright! We'll just see you tomorrow then."

Mag-isang tinungo ni Saniela ang parking lot. Magsha-shopping pa kasi sina Heidi at Lira mamaya, hindi na siya sasama dahil ang daming mga damit pa ang hindi niya naisusuot. Mag-iimpake nalang siya ng mga dadalhin pagka-uwi.

Napatigil siya sa paglalakad ng makita si Keegan na nakasandal sa kotse nito. She stopped not because of that but because of the girl standing and talking in front of him.

Malayo pa lang, kilala na niya kung sino ang babae. Sino pa ba ang mayroong kulay platino na buhok dito? Si Katya Griegova lang naman.

Naningkit ang mga mata ni Saniela ng hawakan ng babae ang braso ni Keegan. She saw her smile in a flirtatious way.

Nakatingin lang ng blangko si Keegan sa babae matapos ay inalis ang tingin na animo'y walang pakialam sa sinasabi nito.

Why's that girl is talking to him anyway? May dapat ba silang pag-usapan?

"I'll see you next week, Keegan." Dinig ni Saniela na sabi ni Katya. Nag-igting ang kanyang panga at napa-irap.

Anong see you next week?!

"I'm busy." Tipid na sabi ni Keegan.

Humalukipkip si Saniela sa kinatatayuan at hinilig ang katawan sa kotseng nasa likuran. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang dalawa habang binibigyan ng masamang tingin ang babae.

"I'm sure you can make time for me."

Umawang nang bahagya ang mga labi ni Saniela ng marinig ang sinabi ng babae. Ibig niyang tumawa dahil sa lakas ng kumpiyansa nito sa sarili.

Ngumisi si Keegan at inalis ang pagkakahawak ni Katya sa braso niya. Pasimple niya pa itong itinulak palayo dahil naaalibadbaran siya sa masyado nitong paglapit sa kanya.

Without DoubtWhere stories live. Discover now