Kabanata 24

9.8K 225 74
                                    

Ring

The fifteen year-old Saniela was happily walking down the stairs while singing a birthday song. Ang kusina ang una niyang tinungo dahil alam niyang naroon ito ngayon at naghahanda ng masarap na almusal.

And she was right. Her mother was preparing their breakfast wearing the apron Saniela made for her.

Malapad siyang napangiti. She continued singing the Happy Birthday song.

"-happy birthday to you~"

Nakangiting pumihit paharap sa kanya ang inang ni Elisana na bakas ang kasiyahan sa mukha. Naglakad siya palapit dito at hinalikan ang magkabila nitong pisngi.

"Happy birthday, Mommy!" Masigla niyang bati saka ito niyakap nang mahigpit.

"Thank you, sweetie."

Her Dad entered the kitchen. Nakapang-opisina na ito habang sukbit sa braso ang kulay abong coat. Napangiti ito sa nakita.

"Pasama naman sa yakap." Anito saka ito lumapit sa kanila at yumakap nang mahigpit. Napahagikgik si Saniela gayundin ang kanyang ina.

"Maaga akong uuwi mamaya. We can't miss to celebrate my wife's birthday of course! This is such a special day to just miss out."

Sa umagang iyon ay sabay-sabay silang nag-agahan kasama ang lolo't lola niya. Saniela became the storyteller at that time. Halos hindi ito maubusan ng mga ikukwento.

"Let's just have a simple dinner, Samuel. Iyong tayo-tayo lang. Let's invite Marga and her family same as Sylvia." Singit ng kanyang ina. Bumaling ito ng tingin sa kanya. "You can invite Lira and Heidi too, sweetie."

Napangiti siya sa sinabi ng ina. Tumango siya ng ilang beses dito. Mabuti naman at may makakakuwentuhan siya mamaya!

Kinahapunan ay nagpahatid siya sa driver nila papuntang mall. She needs to buy a big frame for her gift to her mother.

"Hintayin niyo nalang ako rito, Mang Cesar." Aniya sa driver na magalang na sumagot.

Makilatis niyang sinisipat ang bawat frame na nadaraanan. She wouldn't just pick whatever there is and whatever in low price. She wants the frame to be simple yet elegant and stupendous. It's for her mother so it needs to be extra special.

Pinadaanan niya ng daliri ang isang frame na nakapukaw ng atensiyon niya. Its structure screams urbanity, refinement, and beauty. Kulay pula iyon na paboritong kulay ng kanyang ina.

"Saniela, babe!" Bakas ang gulat sa boses ng taong tumawag sa pangalan niya. Nilingon niya ito at sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni King na naglalakad papalapit sa kanya.

Her lips parted in surprise at the sight of him.

"King..." Tawag din niya sa pangalan nito.

"Happy birthday sa Mommy mo." Humalakhak ito at inakbayan siya. Napangiti siya. It was two years ago since they'd met and became friends but King is still King. Masiyahin at palangiti.

"Bumibili ka ng ipang-reregalo sa Mommy mo?" Tanong nito.

Tumango siya. "Oo, ikaw? Anong ginagawa mo rito? Last time I checked hindi ka palapunta ng mall."

"May ipinabili sa akin si Mama." Itinaas nito ang isang paper bag na may tatak ng isang kilalang brand ng mga alahas. Lumipat ang tingin nito sa frame na hawak-hawak niya.

"Bibilhin mo na ba 'yan? Samahan na kita. Kain tayo pagkatapos, libri ko."

"Sure," Mabilis niyang sabi. Basta talaga libre ang bilis niyang pumayag. Kapag talaga kasama niya si King hindi siya napapagastos.

Without DoubtΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα