Kabanata 9

14.6K 320 90
                                    

Fall harder

"Ang daya mo naman Saniela! Hindi mo sinabing makikihang-out ka kina Lio! Sana pumunta ako." Nakalabing saad ni Heidi at pabirong inirapan si Saniela.

"Sinama lang ako ni Keegan." Sagot ni Saniela. "Tsaka diba, may family dinner ka?"

Pinaningkitan siya ng mga mata ni Heidi. "Makakahabol naman ako."

Napabuga ng hangin si Saniela at nilingon ang kaibigan. "Better luck next time, Heidi."

Lalong ngumuso ang labi nito at hindi na nagsalita. Biglang napalingon ulit si Saniela sa kaibigan at nagtatakang tinignan ito.

"Paano mo nga pala nalaman na kasama ko sina Lio kagabi?" Tanong ni Saniela.

Inikutan siya ng mga mata ng kaibigan at tinignan siya na parang nagsasabing seriously?

"Nag-upload ng pictures si Lio sa Instagram tsaka sa Facebook! Naka-tag ka pa nga, e. Hindi mo pa nakita?"

Pinagtaasan ng kilay ni Saniela ang kaibigan. "Magtatanong ba ako kung nakita ko na?"

Magsasalita pa sana si Heidi ng unahan ito ni Lira. "Heto, oh," saad ni Lira at inabot ang cellphone sa kanya. Kinuha niya iyon at tiningnan ang nasa screen.

Lio Marcova added 8 new photos — with Saniela Clemente and 8 others.

Wild and wasted ;)

Binuksan ni Saniela ang unang litrato at nakitang kuha ito nina Bryle at Hendrix na magka-akbay habang parehong nakangiti. Ang ikalawang litrato naman ay isang stolen shot. Nakatawa lahat sina Lio, Gabriel, Troy, Matt, at Nathan. Then on the third shot was a photo of Chase holding a bottle of beer, his middle finger was raised and his tongue was sticked out. On the fourth picture was a shot of them all together. Kita sa mga mukha nilang lahat ang saya. The fifth and sixth picture were a shot of Gab and Lio playing beerpong. The seventh picture was a shot of Bryle and Hendrix playing billiards. Tumitira si Hendrix habang nasa gilid nito si Bryle na hawak ang nakatungkod na cue stick at nakangising nakatingin sa camera.

The last shot made Saniela smiled involuntarily. It was a shot of Keegan cupping her face, both of them were smiling and looking at each other's eyes. She remembered this was the time Keegan told her that she is the best among the best.

Naningkit ang mga mata ni Saniela ng mabasa ang caption ng picture. The Captain and the Queen Captain :)

"Napusuan ko na 'yan." Tudyo ni Lira. Pabirong inirapan naman ito ni Saniela at ibinalik na ang cellphone.

"Buti pa si Lio may endearment na sa'yo." Tampo ni Heidi. Natawa naman si Saniela at mahinang hinampas ang kaibigan.

"Shut up, Heidi."

"Just kidding." Tawa nito.

"Hey! May klase pa tayo sa Anatomy. We only have 10 minutes before the class starts." Saad ni Lira na nag-angat ng tingin mula sa wristwatch na suot.

Nagbaba naman ng tingin si Saniela upang sipatin din ang oras sa suot na wristwatch. It's 9:51 am.

"Okay, let's go!" Ani ni Saniela at tumayo. "Makikita ko na naman ang pagmumukha ni Belinda." Tukoy ng dalaga sa propesor nilang nakaka-antok magturo.

Tumawa ang dalawa. "Oo nga. Matutulog nalang ako sa klase. Wala namang pakialam ang matandang 'yon." Sabi ni Lira at umangkala sa braso ni Saniela.

"Magsa-sound trip nalang ako. Mas mabuti na 'yon kesa marinig iyong boses niyang parang kumakanta ng pasyon." Giit naman ni Heidi. Hindi mapigilan ni Saniela ang matawa sa sinabi ng mga kaibigan.

Without DoubtWhere stories live. Discover now