Kabanata 15

12.2K 260 64
                                    

Spare room

Saniela reads again Keegan's lately message for the nth time. Hindi daw siya nito masusundo dahil masama ang pakiramdam. Tinatablan din pala ng sakit ang gago.

Kakatapos lang ng exam niya nang mabilis siyang nagpaalam sa mga kaibigan na pupuntahan si Keegan. Sigurado siya na nasa condo unit nito ang lalaki at hindi umuwi sa bahay nila sa may Tuscan Heights.

Tumigil ang sasakyan niya sa isang botika. Her car was finally back! Kakasauli lang sa kanya ng kanyang lolo kahapon na hindi naman niya nagamit dahil hatid-sundo siya ni Keegan.

Kinunutan pa siya ng noo ni Don Viktor ng maka-uwi siya dahil mag-hapong nasa garahe lang ang kanyang kotse.

The old man still doesn't has the idea about Keegan. Ayaw pang ipaalam dito ni Saniela dahil kukulitin lang siya nito na dalhin sa bahay si Keegan. Saka na niya sasabihin kapag naka-uwi na ang ama niya mula France, sabay na niyang ipapaalam.

Bumaba siya ng sasakyan at naglakad papasok ng botika, asking on the pharmacist a medicine for fever.

Hindi niya alam kung may medicine kit ba si Keegan sa condo nito o wala. So she'll just buy tablets to be sure.

Matapos bayaran ang binili ay dumaan siya sa isang kalapit na grocery store para bumili ng mga sangkap sa lulutuin niyang soup. Bumili pa siya ng ilang gulay, prutas, at karne dahil ang magaling na lalaki ay puro canned goods at instant noodles ang laman ng cupboard.

MATULIN na ipinarada ni Saniela ang kanyang sasakyan sa parking lot ng condo na tinutuluyan ni Keegan. Saniela was now standing in front of Keegan's unit, holding two bags of grocery items. Saglit niya pang tinitigan ang pinto nitong magarbo bago pumindot ng password.

0526. She still doesn't know what's behind those numbers. Hindi pa niya natatanong kay Keegan. Remind her to ask that later.

Tahimik ang loob ng pumasok si Saniela. Ibinaba niya ang hawak na susi ng kotse sa isang mesa na pabilog malapit sa pinto.

Ang sling bag na nakasukbit sa kanyang balikat ay maingat niyang inihagis sa kulay itim na leather couch.

Pumasok siya ng kusina upang ilagay ang mga pinamili sa counter. Then she made her way up, taking steps to the wooden black staircase.

Sumalubong sa kanya ang maluwang na espasyo na may mga pabilog na kulay asul at itim na couches sa gitna. May hammock sa isang banda. Different portraits of paintings in black and white are hung on the right side of the wall, may nakahilig ding mahabang istante rito na nahahati sa tatlo, ang kaliwang parte ng istante ay puno ng mga maliliit na modelo ng mga sasakyan, ang kanang parte ay mga souvenirs mula sa mga lugar na napuntahan nito, habang ang gitnang parte ng istante ay mga tropeo, medalya, at mga awards and certificates na natanggap nito.

Isang malaking salamin naman ang sumakop sa kaliwang parte ng dingding. Ang mga kurtina na kulay asul at itim din na mula kisame hanggang sahig ay magkabilang nakalihis kaya kita ang mga nagtataasang establisyemento mula sa malinaw na salaming pader.

What amazes her more is the tree on the very center of the area. It was like an old tree but the leaves are very luxuriant and healty. She didn't how was that happened. Nasa tabi no'n ang mga pabilog na couch at isang maliit na mesa na yari sa kahoy.

Naglakad siya sa isang pasilyo sa kanan kung saan naroroon ang kwarto ni Keegan.

Hindi na siya nag-abala pang kumatok at mabilis na pinihit ang busol ng pinto at pumasok.

She was welcomed by a dark and cold room. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto at pinindot. The whole room was filled with light.

Lying on a big and soft bed, she saw Keegan wrapped on a thick dark blue blanket with black and white strips. His eyes are tightly shutted and his body is trembling.

Without DoubtWhere stories live. Discover now