Kabanata 7 *

16.1K 438 102
                                    

Sundo

Tinatamad na bumaba si Saniela sa kanilang hagdan patungo ng kusina upang kumain. One week had passed and today's another one damn school week to face.

Hinihikab pa siyang pumasok ng kusina. Hindi pa sana siya tatayo kung hindi lang siya nagugutom.

"Ate Tonet, ipagluto mo nga ako ng—" nabitin ang sasabihin niya sa ere ng makita ang taong nakaupo sa upuan na katapat ng kanya. Masaya itong kumakain ng paboritong cheesebread habang nakikipagkuwentuhan sa lolo niya. Bumaling ito ng tingin sa kanya ng marinig ang boses. Binigyan siya nito nang malawak na ngiti at ibinuka ang dalawang kamay para sa isang yakap.

"Come here, baby." Malambing nitong sabi.

Ilang segundo pa siyang na-estatwa sa kinatatayuan bago patakbong lumapit at yumakap sa ama.

"Daddy!" masayang sambit niya at mahigpit na niyakap ito. Narinig niya ang sabay na pagtawa ng ama at ng lolo niya.

"I miss you too, princess." Ani ng ama niyang si Samuel Clemente habang hinahaplos ang kanyang buhok. Humiwalay siya rito at umupo sa upuang katabi nito.

"Why didn't you tell me you're coming home?" nakanguso niyang tanong sa ama. Pinagdala naman siya ni Ate Tonet ng isang plato at mga kubyertos.

"Biglaan lang, anak. Nagkaproblema lang nang kaunti sa isang branch natin dito, so, I need to check. Aalis din ako mamaya patungong Malaysia, baka ilang weeks pa bago ako maka-uwi." Paliwanag ng ama niya habang ginagawan siya ng paboritong egg and tuna sandwich.

Napasimangot siya sa sagot nito. Ilang beses lang kung umuwi ang ama niya dahil busy ito sa trabaho tapos ay kakakita lang nila ay aalis na naman ito.

"Pero Dad, hindi ba pwedeng bukas nalang? Kakauwi mo lang." Pakiusap niya rito at inabot ang egg and tuna sandwich na ginawa nito.

Binigyan siya ng ama nang malungkot na ngiti. "Sorry, sweetheart, Daddy needs to go. Mahirap suyuin si Mr. Min lalo na si Mr. Tiong. They are a big catch kaya kailangan ko silang mapapirma."

Ngumiti siya sa ama at tumango rito. "I understand, Dad."

"May gusto ka bang pasalubong?" ngiti nito sa kanya. Masaya namang nakamasid lang sa kanila ang kanyang lolo.

Umiling siya. "Just come back safe."

Mahigpit na yakap ang iginawad ni Saniela sa ama bago umalis ng bahay, dahil sigurado siya na ilang linggo na naman bago niya ito ulit makita. Her Dad was a busy person. Mag-isa kasi nitong pinapatakbo ang wine company nila na kinikilala na rin maging sa ibang bansa. Ang ama na rin niya ang nagpapatakbo ng naiwang mga restaurant ng ina ni Saniela na si Elisana Clemente na namatay sa sakit na leukemia, 4 years ago. Ilang branch din ang mayroon ang restaurant ng ina na nakapalibot sa buong Pilipinas.

That's why she understood her father for not being on her side always. Kahit na hindi ito naka attend noong high school graduation niya, kahit na wala ito tuwing sumasali siya sa isang art exhibit, kahit na hindi niya nakakasama ito tuwing pasko, at kahit na minsan ay nakakalimutan nito ang birthday niya. She knew her father only wanted the best for her.

Papunta siya ng garahe ng marinig ang busina sa labas ng gate nila. Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang labas. She saw a magnificent black sports car parked outside.

Kumunot ang noo niya sa nakita. Was that one of her friends? Sinabi naman niya sa kanila na 'wag na siyang sunduin, e.

Nakasimangot siyang naglakad patungo sa labas ng gate. Alas otso pa lamang ng umaga kaya hindi masakit sa balat ang sinag ng araw.

Without DoubtDär berättelser lever. Upptäck nu