Chapter 63 (SANA IKAW YAN)

303 14 1
                                    

Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagkain ng biglang may umupo sa unahan ko.

"Pwede makiupo" Hmmm...... Saan ko nga ulit siya nakita.

Napatingin nalang ako sa kanya at sa isa pa niyang kasama na babae. Malawak ang ngiti ng babae sa akin at parang namumukhaan ko siya. Pero hindi ko maalala kung saan ko ba sila nakita.

ilang minuto ang lumipas at tahimik parin silang dalawa hindi ko alam kung namamalik mata lang ako pero napapansin ko na parang lagi sila nakatingin sa akin, hindi ko nga alam kung bakit.

"Okay kanaba?" tanong ng lalaki saakin.

"Ho?!" nag tatakang sabi ko sa kanya. Ano kaya sinasabi niya na kung okay naba ako? 

"Yung nangyari sayo kahapon. Nahimatay ka kasi diba? Eh okay kanaba ngayon?" Ah yun pala ang tinutukoy niya pero bat alam niya.

"Oo okay na ako ngayon, pero bat alam mo?" nag tatakang tanong ko sa kanya.

"Ako kasi yung nag dala sayo sa clinic" Sabi niya sa akin, kaya nagulat naman ako.

"Ah......ganon ba, maraming salamat sa tulong mo siguro kung hindi mo ako nakita sa class room namin baka patay na ako" hindi ko alam kung bakit o sinabi sa kanya yun parang kusa lang lumabas ang mga salitang yon sa aking bibig, nagulat naman siya sa aking sinabi at may halong pagtataka din sa kanyang mukha.

"Ah! Alam ko na kung saan kita nakita" Bigla ako napatingin duon sa babae na bigla nalang sumigaw.

Ano sabi niya?

"Ikaw yung babae na nabangga ni liam no? tas ikaw yung naki suyo sa amin na dalhin ka namin sa guidance no?" masiglang sabi niya sa akin.

Napapaisip ako sa kanyang sinabi parang nakita ko na nga siya pero hindi ko maalala kung saan.

"hm.... Sorry hindi ko na kasi tanda eh" Sabi ko sa kanya.

"Ah ganon ba" sabi naman niya sa akin na parang nalungkot siya na hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

"Pasensya na kung hindi ko maalala hindi kasi ako masyadong makaalala sa mga bagay bagay madali ako makalimot may amnesia kasi ako, kaya sorry" Sabi ko sa kanila na kanilang ikinagulat.

"Ah ganon ba. Hindi okay lang, so ako nga pala si liza at siya si liam" Nakangiting sabi ng babae sa akin.

"Ah... ako naman si alexandra maghirang pero pwede ninyo ako tawagin as alexa kung nahahabaan kayo sa pangalang alexandra" Nakangiting sbai ko sa kanila.

"Bago ka lang ba dito?" tanong ni liza sa akin.

"Oo kahapon lang ako pumasok" Sabi ko sa kanya.

"Buti nalang at hindi ka late nakapag transfer. So anong grade mo na?" Tanong ulit niya sa akin.

"Grade 10, Kayo po ba?" tanong ko sa kanila.

"Wag mo nga kami iopo or po hindi nman kami mukhang matanda diba pati mag kakilala na tayo kaya wag mo na kaming galangin pa. Same lang  grade 10 din kami" Sabi niya sa akin.

"Ah...Okay" NAkangiting sabi ko sa kanila.

-----------

kasabay ko silang dalawa papunta sa mga class room mas una naming madadaanan yung class room ni liza kaya nag paalam na siya sa amin at may kaylangan pa daw siyang tapusin kaya hindi niya daw ako maihahatid sa class room ko kaya si liam na daw ang mag hahatid sa akin baka nanaman daw ako mahimatay.

habang nag lalakad kami ni liam ay walang nag sasalita s aming dalawa, hindi ko alam kung bakit wala ako masabi sa kanya ng bigla naman siya mag tanong sa akin.

"Bakit pala nag dugo ang ilong mo at nahimatay ka?. okay lang kung hindi  mo sagutin yung tanong ko alam ko na masyadong private yung tanong ko sayo" nahihiyang sabi niya sa akin.

"Hmmm......Yun ba, sabi kasi sa akin ni doc na nag kakaganon daw ako dahil bumabalik na daw ang mga alaala ko" sabi ko sa kanya pero hindi ako nakatingin sa kanya at naglalakad parin kami, masyado kasing malayo yung class room ko, tas yung kanya naman ay nadaanan na namin eh sabi ko sa kanya na okay na ako pero makulit siya kaya hinatid na niya ako at sabi niya magagalit daw sa kanya si liza kung hindi niya ako ihahatid sa class room ko.

"Magandang balita pala yun" Sabi niya sa akin.

"Hindi rin, kasi may posibilidad na maari daw ako mamatay dahil duon, hindi ko nga alam kung bakit" Sabi ko sa kanya. hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa class room ko.

Tumigil na ako sa paglalakad at hinarap ko siya kaya napatigil naman siya sa kanyang paglalakad.

"Okay na ako dito pwede ka na bumalik sa class room mo baka malate kapa eh" Nakangiting sabi niya sa akin.

Nagulat nalang ako ng bigla niya ako yapusin kaya hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa niya ilang minuto ang lumipas at bumitaw na siya.

Hanggang ngayon ay gulat na gulat parin ako sa ginawa niya.

"Sorry may naalala lang kasi ako sayo kaya nayapos kita, si-sige aalis na ako" Nahihiyang sabi niya sa akin at kumaripas na siya ng takbo habang ako naiwang nakatayo at iniisip ung ano ba yung ginawa niya sa akin.

pumasok na ako sa class room na lumilipad ang aking isip dahil sa ginawa ni liam kanina.

---------------------

(Ken)

"Sa tingin mo nicko nasaan na ngayon si ian?" tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa library nag hahanap ksi kmi noong book na tungkol sa chemistry.

"Hindi ko alam" Matipid na sagot niya sa akin.

"Pamula noong araw na yun hindi na siya nag pakita, pero sa tingin mo buhay pa kaya siya?" tanong ko ulit sa kanya. matagal na kasing nawawala si ian at hanggang ngayon ay hindi parin siya nakikita kahit ang daddy niya ay nawawalan na ng pag asa na mahanap ang kanyang anak.

"Bakit mo pa ba hinahanap yung mga taong ayaw na magpakita ha?!" Mukhang naiinis na siya ah. Nag tatanong lang naman kasi ako, nag aalala kasi ako duon sa tao.

"Si sam kaya ano na kaya nangyari sa kanya, dapat pala hindi na tayo nakinig duon sa tao tumawag sa atin edi sana ligtas ngayon si sam.... at kasama sana natin ngayon" Malungkot na sabi ko, hindi ko aakalain na mamimiss ko yung babae yun akala ko talaga noong una panakit lang siya sa ulo namin yun pala kahit papaano natulungan niya ako s problema ko pero ako hindi ko manlang siya natulungan noong mga araw na kaylangan niya ng tulong at ang nagawa lang namin ay umiwas sa kanya.

"Pwede ba ken wag ka na nga mag tanong ng mga ganang bagay ha!" Natakot ako dahil sa expresyon niya.

"Oo na sorry na!" Sabi ko sa kanya at nag seryoso na ako sa paghahanap noong lintik na librong chemistry.

Habang nag hahanap ako ay may nahagilap ang mga mata ko. Imposible si...............si sam ba yun? Agad ko nilapitan si nicko.

"Ni-nicko si.... si sam nakita ko!" NAtatarantang sabi ko sa kanya.

"Ano nanamang kalokohan yan ha!" Naiinis na sabi niya sa akin kaysa mag paliwanag ako ay hinigitko na siya palabas ng library at sinundan si sam . Sana hindi ako nag kakamali alam ko na si sam yun.

Kaunti nalang kaunti nalang maabutan na namin siya. Ng malapit na ako sa kanya ay agad ko hinawakan ang kanyang balikat para mapatingin siya sa akin. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Sana ikaw yan.

To be continue.....................................

Hello readers musta na hahahhaha sorry late ud hahahahha sana nagustuhan ninyo.

September 26 18


Story ni Nerd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon