Chapter 25

915 21 0
                                    


Naglakad ako palayo sa mesa namin. Grabe yung kaba ko!!!

Napahawak ako sa dibdib ko. Niyakap ko ang tasang dala ko.

Ano ka ba, Lezia! Bakit ganon ka? Mahahalata ka niyan!

Humarap ako sa vendo machine, pinindot ko ang button para sa choco hot fudge coffee, atsaka ito tumulo sa tasang dala ko.

Pagbalik ko sa mesa namin, nandoon na si Ariella at Kimmo, nagtatawanan sila kasama si Petter.

So, hindi pala talaga iba ang sinabi niya kanina. Tama lang na nag react ako ng normal at parang walang ibang gustong marinig. Hayss..

Bitbit ko ang tasa ng panibagong kape ko habang naglalakad palapit sakanila.

Nung nakalapit ako, in offer ni Ariella ang upuan na katabi niya sa akin...

"Thanks.." Sabi ko. Tapos umupo.

Katapat ko si Petter na nakangiti sa akin. Nginitian ko din siya. "B-bakit ka nakangiti?"

"Lagi naman akong nakangiti sa'yo!" Sagot niyang madali. "Bakit? Iba na ba nag epekto ngayon sa'yo?" Tanong niya sabay kindat.

Nagbibiro nanaman siya.

I rolled my eyes. "Oo eh.." sabi ko sabay tawa.

Natawa din siya. Kinagat niya ang ibabang labi niya bago yumuko at humarap sa kape niya.

He's weird.

"Nakooooo! Nandito kami!" Sabi ni Kimmo.

Nalingon ko siya, "At bakit ngayon lang kayo?"

"Eh ito kasing si Ariella!"

"Nga pala, Ariella! Kelan ka uuwi pa Zambales? Sasama ako!" Sabi ko. Lumuwas lang kasi yan dito para salubungin ako. Doon siya naki tulog kay Kimmo kagabi. Oo, close na close na sila! Mas pinili do'n sumama kesa sa akin.

"Sabay sabay na tayo." Sabi ni Petter.

"Yun oh! Libre sa pamasahe." Ani Ariella.

"Ba't uuwi ka do'n?" Tanong ko kay Petter. Kasi dito na siya nakatira yan sa Manila dahil nandito ang business niya.

And that's one of the reason kung bakit dito ako bumili ng house n lot sa QC.

"Oh yes, ayokong ma miss mo ako." Sabi niya.

"Yun oh! Pasok sa banga!" Sabi ni Kimmo. Sabay nakipag apiran kay Ariella.

Nagkunyari naman ako na parang kinilig.
"Sige... sabi mo eh!"

"Ako, hindi ako makakasama sa inyo doon. Busy ako dito. Si daddy kasi binigay sakin yung Vice President's seat sa kumpanya!"

"Iba na talaga ang anak ng chairman 'no?" Ani Ariella sakaniya.

Nagtawanan kami. I'm happy. Lalo na't nakikita kong close ang lahat ng mga kaibigan ko.

"Eh si Dianne at Xhon?" Tanong ko sakanila.

"Hindi sila sasama. Busy sila dito sa pagbuo ng pamilya."

Hahahaha, "Sayang 'no? Ang layo nila dito. Sa pag-asa. Di natin sila maka bonding!"

"Sus! Kaya nila yon kung gagawan nila ng paraan. Kahapon nga eh! Ayaw lang nila pa istorbo." Sabi ni Petter sabay tawa.

Inabot ko naman siya para kurutin sa braso. "Hoy! Anong sinasabi mo dyan?"

"Green minded si Miss Fashion Designer!"

Umirap ako. "Hays.. yung wedding dress na ginagawa ko, on the way na, sa next day nasa bahay ko na yo'n... excited na akong tapusin!"

Sumulyap ako kay Petter. Napangiti siya. Pag naiirita ako nakangiti parin siya! Kainis! May sakit na yata 'to?

Joke. Love ko yaaaaan!

"Waaaah! Oo nga! Teka bakit hindi mo sinabay palipad dito?"

"Ang laki laki no'n girl! Ayoko mag buhat 'no! Saka pati mga machines and equipments dadalhin."

"Bakit kailangan pang dito mo tapusin?"

"Yung client kasi, gusto makita ako, ipapakilala daw ako sa program as designer nong gown."

"Wow! Bongga no'ng client mo ha? Kelan ba wedding day?"

"Sabi November." Sagot ko. "Madami naman nakong nagawan na kilalang tao sa U.S. Kaya sanay na ako."

"Ah! May five months kapa para tapusin." Sabi ni Kimmo.

Tumango ako, "Kaya limang buwan din ako dito."

Kinabukasan ~

Madaling araw ng huwebes ay nagpasya kaming magbyahe. Nandito kami sa tapat ng bahay. Nakaparke ang kotse ni Petter na siyang sasakyan namin pauwi. Doon ako magsasamba mamayang gabi sa Lokal ng sta. cruz! Kung saan ako nagpadoktrina. Kung saan ko unang nadama ang kapangyarihan ng Diyos sa pagsamba.

I'm so excited!

Bukas ko na matatanggap yung package galing sa cheeseland na wedding dress, at yung mga gamit ko na pang sew at design.

Hindi ko kasi naisabay nung dumating ako at sobrang laki no'n. Mas malaki pa sa wedding dress ni Marian Rivera nong kinasal sila ni Ding dong Dantes.

Bukas pa ang start ng work ko dito! Kaya... magbabakasyon muna ako ng isang araw sa Zambales. I miss lolo Jann, Lola Tasha, my titos and titas , and my cousins!

"Ready?" Tanong ni Petter.

"Yes!" Sabi namin ni Ariella.

Nakaupo kaming dalawa sa back seat ng kotseng kulay orange ni Petter. Medyo masikip nga at andami kong dalang pasalubong para sakanila doon.

"So gagawin niyo akong driver?" Tanong ni Petter pagka sakay sa driver's seat.

"Ang sikip dito! Dun ka na sa harap couz." Ani Ariella.

"Ikaw nalang." Sabi ko sabay sumandal sa upuan. Tapos pumikit.

"Ikaw na, Zia!"

Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Petter. Ako ang gusto niyang katabi? Madiin akong pumikit lalo.

"Ilang oras akong magmamaneho. Para pwede mo akong palitan."

Napadilat ako nang marinig yung kasunod niyang sinabi.

Okay na eh! Kinikilig na ko eh!

"Fine!" Sabi ko. Tapos kinalas ang seat belt ko.

Nagtawanan silang dalawa. Hay nako! Trip nanaman nila ako! Bakit di nalang kaya sila ang magkatuluyan? *sarcasm*

Kaya, lumipat ako sa harap. Pagpasok ko, nakatingin lang si Petter sa gawi ko.

"Wag mo kong guluhin. Matutulog ako hanggang Zambales." Sabi ko habang nilalagay ang seat belt ko.

"Do as you wish, my beauty queen." Sabi niya.

Talaga? Hindi ako mag d-drive? Okay! Humiga ako tapos pumikit.

"Good mornight Petter!"

"Good mornight!" Sabi din ni Ariella sakaniya.

"Wah! Kawawa talaga ako." Natatawang sabi ni petter bago pinaandar ang makina.

Napangiti ako. Don't worry, my man. I'm always here beside you.. Always...

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now