Chapter 1

3.4K 38 3
                                    

Ma. Lezia Francia's POV

"Lezia, nagawa mo na ba yung inuutos ko?"

Nasa loob ako ng kwarto pero narinig kong kinakausap ako ni mama.

"Opo ma!" sigaw ko. Sabay kinuha ko ang shoulder bag ko. Isinabit ko ito sa balikat ko.

Humarap ako sa salamin tapos ay naglagay ng lip tint. Ipinagdikit ko ang mga labi ko nang mapahiran ko ito ng kulay pula. Maganda ang shape nito kaya't bagay ang liptint o lipstick na pula.

"Ayan, perfect lezia!"

Iniayos ko ang hanggang balikat kong buhok, natural ang pagkakulot nito sa dulo. Pero ang kulay nitong brown ay hindi natural. Pinakulayan ko ito. Gusto kong sumabay sa uso.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sala. Nadatnan ko doon si mama kumakain ng popcorn.

"Ma.. alis na po ako." sabi ko.

"Oh sige! Basta yung sinabi ko ha!" ani mama.

I waved my hands sabay tango.

Paglabas ko ay agaran akong pumara ng tricycle. "Dito sa Baloganon po, purok III."

"Sige." anang tricycle driver.

Papunta ako ngayon sa Purok III. Birthday ng bestfriend kong mas matanda sa akin ng dalawang taon na si Kimmo. She's already 20. Ako ay 18 pa lang. Mag o-Overnight kami doon!

Wala pang kinse minuto ay nakarating na ako.

Ipinagpag ko ang kamay ko sa may pwetan ko. Puti kasi ang suot kong shorts, baka nadumihan. Mahirap na.

Inilugay ko ang nakapusod kong buhok. Itinali ko lang kanina habang nasa trike dahil humahangin, nagkakabuhol buhol kapag ganoon eh. Lalo't gabi na. Lakas ng ihip.

Tinignan ko ang wristwatch ko at bandang alas otso na ng gabi.

Nandito ako sa waiting shed, sa kanto papasok kina kimmo. Sabi niya kasi susunduin niya ako.

Kaya naman tinext ko siya na nandito na ako. At nilalamok na.

"Girl!" rinig kong sinabi ni kimmo. Naka angkas siya sa motor. Nakasuot siya ng maikling shorts at halter top. Hinawi niya ang kaniyang buhok na humarang sa kaniyang mukha pagkahinto ng motor.
Nginitian ko siya. Nalingon ko naman ang driver, si Hence. Nakaputing t-shirt at white shorts lang siya. Bakit kahit ang simple simple niya ay ang lakas parin ng dating niya! Ngumiti siya sa akin na nakapag palabas ng kaniyang dimples..

Biglang uminit ang mukha ko. Sana birthday nalang lagi ng tropa, para makita ko siyang palagi.

"Zia, tara?! Uy!" sigaw ni kimmo.

Lumapit ako sakanila. "Happy birthday kimmo!" sabi ko.

"Later na ang batian. Oh, sakay na!" aniya.

Napahinto ako ng saglit dahil iniisip ko na bababa siya para ako ang kumapit sa boyfriend ko pero naisip ko din na kung gagawin niya yun ay matatagalan lang kami. Kaya sumakay narin ako sa likod niya

Hindi ako makatingin kay hence dahil kinikilig ako. Ano pa kaya kapag madikit ang balat ko sa kaniya habang magmamaneho siya? Tama na nga siguro ang ganitong ayos.

Pinaandar niya ang motor nang makasakay ako.

"We're here!!" ani kimmo.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon