Chapter 8

1.1K 23 0
                                    


Isang linggo nalang bago ang foundation week. Sobrang busy kaming lahat. Lalo't nadagdagan ang activities na gagawin ng aming department. Ako ang Second year representative kaya naman dama ko ang bigat ng event.

Mayroon pa kaming gagawing pa contest. Tula making. Idea iyon ng fourth years. At ang participants doon ay mga first years BDA.

"Sino ang ilalaban natin for Ms. Dela Fuerto University this time?" Tanong ng aming Dean, Mr. Roosevelt Bau.

Kasalukuyan kaming nag me-meeting. Mga BDA Officers. Tapos na kami sa activity ng department, klaro na doon. Ngayon ay pinag-uusapan na namin ang mga program na management ang nag conduct. Na pang buong university.

"Let me handle that Sir!" Ani Freddy. President ng aming department.

"Okay.. okay.. It should be as beautiful and talented as Ms. Francia, okay?"

"Mukhang mahihirapan yata tayo doon sir!"

Nagtawanan naman. Nahiya ako doon. Oo nga pala. Ako ang Crowned Ms. DFU. Ako ang magpapasa ng crown sa event na darating. Wooh! So excited!

Natapos ang meeting. Wala naman gaanong klase dahil sobrang busy sa foundation week.

Galing ako sa building ng BDA. Patungo ako ngayon sa cafeteria, nakaramdam kasi ako ng gutom.

"May practice daw sa court, Red team versus yellow team!" Rinig kong kwentuhan ng mga babae sa katabi kong table.

"Grabe! Manuod tayo!" Sabi nung isa.

Nag vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. I received a text.

Hence:

Nasa school ako babe. For practice.

Kinabahan ako. Oh my! I missed him!!
Dali dali akong nag type.

Me:

Can I watch? What time?

Hence:

Of course. 1pm. Usap tayo after ng game.

Hindi na ako nag reply dahil kinikilig ako. Itatago ko na sana ang phone ko nang muli itong mag vibrate.

Si Kimmo nag text! Napangiti ako doon. Nandito na si Hence sa Zambales, meaning nandito din si Kimmo. Syempre foundation week, kailangan silang nandito. Hindi papayag ang mga iyon na may ma miss na event. Sarili ng pamilya nila ang firm kung nasan sila nag te-training kaya't madali lang sakanila ang magpaalam.

Kimmo:

Let's talk. After lunch. Nasa bahay na ako dito sa Baloganon.

I checked the watch, 12:45pm. Manunuod ako ng practice game nila Hence!

Me:

Sa court nalang. Nandon si Hence. Practice nila. He invited me to come and watch. You should come too. I miss you both!

Di ko alam kung sino uunahin.

Kimmo:

No. We should talk in private. Kita tayo sa Coffee haus.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now