Chapter 13

1.1K 21 0
                                    


Papunta ako ngayon sa Gym. May pinapasabi sa akin si Sir Bau para kay Jeshua, yung naka assign na officer sa back stage. Ka department ko siya. At saktong nakasalubong ako ni Sir Bau kanina kaya ako na ang inutusan niya.

Okay lang. Good mood naman ako ngayon dahil naging maayos ang pagsasama namin ni Dianne kagabi sa bahay habang wala mga magulang namin. May konting gap pa syempre. Pero maayos naman akong nagkwento tungkol sa nangyari sa amin ni Hence. Akala ko susumbatan niya ako pero dinamayan niya ako. I missed her. I miss her advises. I'm so fool para mas paniwalaan ang iba kesa sakaniya. Sana lang ay bumalik kami sa dati. Yung super close lang kami. Sana dumating pa yung araw na mawawala na yung gap sa aming dalawa. Yung kumportable na ulit kami sa isa't isa.

Cheerdance competition ang event ngayong wholeday. Mula highschool department hanggang college kasi ay kalahok. Sa pagkakaalam ko ay tatlo ang grupo sa college, ewan lang Sa high school.

Pumasok ako sa gym. Marami ng tao sa bleachers. Nagpapapasok kasi ng outsiders kapag ganito. Naghagilap naman ako habang naglalakad ng kaklase o kakilala ko manlang. Pero wala o baka hindi ko lang napansin.

Nakarating ako sa backstage. Agad kong nakita si Jeshua nakikipag kwentuhan sa kasama niyang in charge.

"Jeshua! Hinahanap ka ni Sir Bau. Pumunta ka daw sa faculty. Asap daw." Sabi ko.

"Oh? Sige sige.. pero, samahan mo dito si Keanna magbantay ha?" Pakiusap niya.

"Sure!" Sabi ko. Tapos ay nginitian si Keanna. Sa pagkakaalam ko ay BS accountancy ang kaniyang kurso. At isa siya sa mga PIO.

Agad umalis si Jeshua. Naiwan kami ni Keanna doon.

"Anong oras kaya magsisimula?" Sabi ko sabay tingin sa Relos ko. Ngayo'y alas otso na.

"Baka alas nuebe." Sagot niya.

Nakasuot kaming dalawa ng uniform namin sa CSSG.

Second year representative, Francia. Ang naka print sa likod ng shirt. Tapos logo ng department at school sa harap.

"Saan kayo naka toka ngayon?" Tanong niya sa akin. Nakatayo lang kami dito sa may labas ng dressing room.

"Sa may cafeteria eh.." Sabi ko. Pero mamaya pa akong hapon.

"Ah sige." Aniya.

Hindi naman kami masyadong close nito. At hindi rin naman ako makwento. Kaya halos wala kaming napag-usapan.

Napatabi kaming dalawa nang bumukas ang pinto. Narinig ko agad ang tawanan nila.

"Grabe! Baka naman maakit na sa'yo niyan si Hence Rodriguez Jr!"

Lumaki ang mga mata ko. Napatingin sa akin si Keanna. Alam nilang boyfriend ko si Hence kaya hindi rin tama ang marinig namin ang pangalan niya ngayon, galing sa iba at ganon pa ang sinabi.

"I know right." Maarteng sagot ng isa, na sa wari ko'y si Lelaine.

Nakalabas sila ng pinto. Tapos napatingin sa akin. Nabigla yung isang kasama niya. Siguro yun yung unang nagsalita.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя