Chapter 4

1.2K 21 0
                                    


Nang ipaalam ko iyon kay mama ay ngumiti siya. Hindi ko alam kung ang iniisip niya basta ang alam ko lang ay pumayag siya.

Kaya naman nagbibihis na ako ngayon para sumama sa Kapilya nila. Tuwang tuwa si lolo at lola ng malaman na pinaunlakan ko yung anyaya ni Ariella, sabi pa nga niya ay bibigyan niya ng malaking mana si Ariella dahil doon. Kahit sino naman ang mag invite sa akin ay paniguradong tatanggapin ko. Sobrang saya ko kaya kasama silang mga Iglesia Ni Cristo kahapon sa Puerto Del Mar!

"Sana tawagin ka no?" Ani Ariella na tinititigan ako. Kumakain kami ngayon ng dinner kasama si Mama, lolo at lola.

"Ha?" Hindi ko naiintindihan ang sinabi niya.

Tinignan ko si mama pero yumuko lang siya.

"Wala wala. Kain ka na." Sabi muli ni Ariella na hindi maalis ang ngiti sa labi.

Ako ba ang dahilan bakit masaya sila ngayon?

Ang sarap naman sa pakiramdam.

Kotse ni Lolo ang gamit namin papuntang Kapilya. Siya din ang mag drive. Si lola sa passenger seat. Kami naman ni Ariella ang sa backseat. Naka dress si Ariella pati si Lola kaya nag dress nadin ako, buti nalang at may dala akong may sleeve na dress.

Lokal ng Sta. Cruz, Distrito ng Zambales North iyan ang nakalagay sa tarpaulin na nakatayo sa may labas ng gusali.

Ipinarada ni Lolo ang kotse sa loob ng compound. Madami na ring nakaparadang sasakyan dito. Pero ang mga malalaki gaya ng Jeep at Van ay sa labas ng compound.

"Halika na Zia!" Ani Ariella sabay bukas sa pinto. Doon narin ako dumaan sa binuksan niya.

Naiwan pa sa loob si Lolo at Lola, sinabi naman nilang mauna na kami. Dahil pipila pa kami para mag palista o attendance ng mga bisita gaya ko.

First time kong makaapak dito. Inayos ko ang damit ko bago ako sumunod kay Ariella maglakad.

Sa bungad ng gusali ay may dalawang table, may mga babaeng naka blue doon na uniform. Tinitignan ko sila.

"Mga Kalihim ang tawag sakanila." Ani Ariella. Nakita niya siguro ang nagtatanong kong mata.

"You mean, Secretaries?"

Tumango siya. Matapos kong ipalista ang pangalan ko ay sinabi ni Ariella na papasok na kami.

Sa may double doors ay mayroong isang babae at isang lalake na nakatayo doon, naka all white yung babae long Skirt at long sleeve. Tapos yung lalake naka barong na long sleeve then black pants. Nakilala ko naman sila, Si Third at Ffion yun ah?

"Good evening po.." Ani Ffion sa amin na malawak ang ngiti.

Tinignan ko si Third at tinanguan niya ako bago nagsalita, "Good evening.."

Nginitian ko lang sila, ganon din ang ginawa ni Ariella.

Nang tuluyan kaming makapasok sa pinto ay Mayroon partition doon. Tapos may pintuan sa dalawang magkabilang gilid. Medyo nalito ako kung saan ba dapat papasok kaya huminto ako.

"Itong sa kanan ang upuan ng mga babae." Itinuro niya yung Pintuan sa kanan na may nakatayo din babae na kaparehas ng suot kay Ffion.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now