Chapter 9

1K 22 0
                                    



Gaga ba siya? Bakit ko naman i ke-keep si Hence matapos kong mapanuod lahat ng iyon? She know nothing, my God!

Naglalakad ako ngayon papunta sa school. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko doon. Hindi ako manunuod ng game nila Hence! Nandidiri ako sakaniya! Akala ko santo siya dahil sa loob ng limang taon naming relasyon, kahit isang beses ay walang nangyari sa amin. Hindi ako pumayag na may makuha siya sa akin. Akala ko tanggap niyang ganon. Yun pala, sa iba siya nagpaparaos?!

Gusto kong umiyak para mawala yung bigat ng nararamdaman ko. Alam mo yung parang may building na nakadagan sa dibdib mo? Ganon na ganon ang nararamdaman ko.

Gusto kong umiyak pero bakit hindi ko magawa?

"Hey... hey.." Nakayuko pala akong naglalakad. Tiningala ko yung nakabungguan ko.

He's familiar!

"Ms. Zia?" Tanong niya.

"Petter?"

Yes, it's Petter, from Sta. Cruz.

Nakangiti siya't para bang tuwang tuwa na nakasalubong ako dito sa school ko. Bakit ba lagi siyang masaya? Tuwing nakikita ko siya, nakangiti siya. At nakakagaan ng pakiramdam ang makita siyang ganyan.

Nakakadala yung pag ngiti niya. Nakakawala ng bigat sa dibdib.

Para bang isinisigaw ng ngiti niya na, "kaya mo yan. ingiti mo lang yan."

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang mapansin ko na nagtititigan pala kami.

"Ah.. may inter dance competition kasi, 50th ng University niyo.. kaya nag invite sila ng ibang school na makiki compete dito." Aniya. Aw! Oo nga. Merong ganoon tuwing foundation week.

"Oh? So kasama ka doon?" Tanong ko.

Tumango tango siya. Hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi niya, "Saan ka pupunta at bakit nakayuko ka?"

"Actually hindi ko alam kung bakit bumalik ako dito sa school." Sabi ko. Tapos bigla.. bigla akong umiyak.

Hindi ko napigilan ang pag buhos ng mga luha ko.

"Hey! Bakit ka umiiyak?" Tarantang tanong niya.

Hindi ako makahinga. Inalalayan niya ako para makaupo sa bench sa may gilid. Nandito pala kami sa garden ng BDA.

"Shh.. baka isipin nila nagpapaiyak ako ng babaeng maganda.." aniya.

Pero lalong tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya. Maraming nagsasabi na maganda ako. I even join several school and municipal pageants, and always being crowned. Dahil naniniwala ako na maganda ako. Pero bakit ako sinaktan? Bakit ako nagkamali ng piniling maging boyfriend?

Maganda ako. Hindi dapat ako umiiyak ng ganito.

"Lezia, hey!" Niyuyugyog ni Petter ang balikat ko. Nakatayo siya sa harap ko. Yumuko ako.

Medyo kumakalma naman na ako dahil  sa paghagod niya sa likod ko. Kinuha din niya yung bottled water na nasa backpack niya. Tapos inialok sa akin. Tinanggap ko ito tapos ay uminom ako ng konti nung medyo kumalma ako.

"Thank you.." sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko tapos ay inialok ang puti niyang panyo. Kinuha ko din ito dahil nang itingala ko nag mukha ko ay nakita kong marami ng nakikiusisa dahil sa eksena namin dito.

"Iniisip siguro nila pinaiyak kita." Sabi ni Petter. He's pouting.

He's cute! Ang maayos niyang buhok ay nakakapagpatingkad kung gaano siya ka gwapo. Ang mga mata niya na punong puno ng pag-aalala, it's tantalizing! Ang labi niyang mapupula, nag li-liptint ba siya? Pilik mata niyang makapal. Kilay niyang on fleek! Ang jaw niya na perfectly molded. Ugh! How could a guy be this beautiful?

And why am I telling all this when I am on the middle of moving on process?

Siya kasi yung tipo ng lalake na mapupuri at mapupuri mo parin kahit nasasaktan ka na. Yung tipong malalagutan ka nalang ng hininga masasabi mo parin sa utak mo na "shet ang gwapo niya."

Hinila ko siya palabas ng campus. Hindi naman siya umangal. Huminto kami sa tapat ng SM. Nasa kabilang street lang ito mula sa school.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Petter.

Hindi ako nagsalita. Hinila ko siya papasok. Sumakay kami sa escalator paakyat sa second floor. Kinaladkad ko siya papunta sa Arcade.

"Arcade? Woah?" Lumapit siya doon sa mini basketball.

Damn! Basketball! Matalo sana ang Red team!

"Sige, maglaro ka. Papanuorin kita." Malumanay kong sabi. Tapos ay umupo sa mahabang upuan dito. Maingay dito dahil sa mga naglalaro.

Napansin kong tumabi sa akin si Petter. "Ayokong maging masaya habang malungkot ka." Sabi niya na nakatingn sa akin. Nakipagtitigan naman ako.

"Sinong lalake ang naglakas loob manakit sa gaya mo?"

Nanahimik lang ako. Yumuko. Nagbabadya nanaman ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko alam pero parang ang sarap umiyak sa harap nito.

"He's not a boy. He has no balls!" Sabi ko between my sobs.

Tinatakpan niya naman ako para hindi ako makita ng karamihan. He's a good living diary! I want him for keeps!

"You don't need a boy. You need a man." Aniya.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن