Chapter 23

898 21 0
                                    



AFTER 7 YEARS

From: Kimmo

Bessywap! Kanina pa kami ni Ariella nandito sa bahay mo!

Napangiti ako sa nabasa ko.

Nag reply ako.

Me:

At bakit kayo lang? Where's Xhon and Dianne?

Ginugulong ko ang Isang Maleta na dala ko, nasa kamay ko naman ang isang shoulder bag kong kulay puti na isinisigaw ang mamahaling brand.

Iniayos ko ang shades sa nakalugay na buhok kong unat at kulay itim na. Nakasuot ako ng black coat and silver tube dress.

Nakikita ko ang suot kong itim na boots habang naglalakad ako.

Yes. A fashion designer really make lots of money.

Pumikit ako ng sandali at dinama ko ang hangin ng pinas! Waaah! Na miss ko dito!

Nag reply ako kay Kimmo.

Kimmo:

Naku! Si Jolo kasi, nag inarte pa daw. Kaya ngayon pa lang sila pupunta.

Kimmo:

Padaan nga pala sa dunkin donuts bes! Pasalubong :P

Itinago ko nalang ang iPhone ko sa nabasa ko.

Pero wala pang isang minuto, tumutunog nanaman ito.

Kinuha ko ito ulit sa bag ko,

Mama calling

Sinagot ko ito.

"Hey ma!" Sabi ko agad.

"Nasa airport ka na 'no? Nasagot mo na eh?"

"Ma, bakit ba tinatanong mo pa yung mga bagay na alam mo naman na?" Natatawa kong sabi.

"Hay nako, Maria Lezia! Naninigurado lang ako. Hindi ako sanay na magkalayo tayo.."

"Ma, babalik din ako dyan after five months ay!"

"Sus, baka naman pag nakahanap ka ng boyfriend dyan di ka na babalik?"

"Ma.." Boyfriend? Psh! Noooooo! Boyfriend lang di na babalik? Buti kung fiancé...

Narinig ko ang pagtawa niya. "Oh siya.. sige! Babye na!"

"Bye ma!"

Pinatay ko na agad. Hay nako, nanay ko nga talaga siya.

Dumiretso ako doon sa taxi na nakaparada.

Sinalubong ako ng taxi driver para iayos ang gamit ko sa likod, tapos ako dumiretso na sa loob.

"Sa Pag-asa po, new era." Sabi ko pag sakay nung driver. "Saka po, padaan sa Dunkin' Donuts."

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now