Chapter 12

1.1K 23 0
                                    


May nakahandang pagkain sa dining. Usapan na pala talaga nila na dito maghahapunan. Tahimik lang akong kumakain. Katabi ko si Dianne, nakatutok lang siya sa plato niya. Halata din na wala siyang gana.

Busy magkwentuhan si mama, Tita Clara at Tito Fred tungkol sa kung ano ano. Nakakatuwa! Ang tagal na ng friendship nilang tatlo. Mula high school daw ay magkakaibigan na silang tatlo. High school sweethearts daw si Tita Clara at Tito Fred.

"Parang ang tahimik yata ninyong dalawa.." Ani tita Clara.

Tumawa ako, "Tita, pagod lang po sa school kanina.."

Sinipa ko ng mahina ang paa ni Dianne, napalingon siya sa akin. Binigyan ko siya ng "Hey! Makisama ka " look.

Ngumiti siya sakanila, "Opo my, pagod lang." Sabi niya. Pero agad bumalik sa pagkain.

"May pupuntahan nga pala kami nila Tita Clara mo Zia, maiwan nalang kayo ni Dianne dito sa bahay. Babalik kami around 10pm." Sabi ni mama.

Nilakihan ko siya ng mata pero nag smirk lang siya. Bad Mama! Sinilip ko ang relos ko, 7:30 palang. Gosh! So, ilang oras kaming magsasama dito na kaming dalawa lang?

Gosh!

Nilingon ko si Dianne, nananahimik lang. Wala siyang reaksyon sa sinabi ni Mama.

Matapos kumain ay umalis na si mama kasama sila tito at tita. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Dianne.

Oh Lord, this is not happening..

"M-manuod nalang tayo ng movie." Sabi ko.

Tumango siya.

"Disney.." sabay naming sabi.

Uh oh. Favorite namin together manuod ng disney movies.

"The good dinosaur." Sabi ko.

Tumango siya, "hindi ko parin napanuod iyan."

"Oo. Ako din."

Pagka play ng movie, tahimik lang kami. Maganda ang simula. Hindi namin namalayan ang oras at natapos na pala namin ito. Maganda ang ending.

Nakatutok ako sa TV at binabasa yung mga pangalan na dumadaan sa screen. Gosh! This is so awkward!

Nabasag ang katahimikan nang biglang tumunog ang cellphone ko. It's an unknown number.

Sinagot ko ito nang walang pagaalinlangan. Para lang makaalis sa awkward na sitwasyon.

Lumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Alam naman siguro niya na may tumatawag sa akin kaya ako umalis doon.

"Hello?" Bati ko.

"Lezia.." Shit. Simpleng banggit niya sa pangalan ko, tumatalon na ang puso ko.

Pumikit ako. "Saan mo nakuha ang number ko?"

"Zia, let's talk.."

"What the fuck, Hence! Tigilan mo na ako."

I heard him gasped. Hinintay ko ang sasabihin niya. "I know you still love me, babe. Let's talk huh? Pumunta ka sa school ngayon. Magkita tayo doon."

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now