Chapter 6

1.1K 32 0
                                    


Nagkwento si mama, may boyfriend daw siya. Nakilala niya sa trabaho. Mabait, Cool, Pogi daw, Single, at higit sa lahat.. may kotse.

Sabi kasi niya noon, kung maghahanap ako ng boyfriend na talagang pang forever ay iyong dapat may sarili ng sasakyan. Kahit Bunga ng pagtatrabaho, o bunga ng kayamanan ng pamilyang kinagisnan. Basta may kotse. Dahil yun daw ang maghahatid sa'yo sa Kapilya o beach kapag ikakasal ka na, Syempre kailangan mo ng Bridal Car. Hindi dapat manghiram o mag renta. Dapat may sarili. Taas ng standard ni mama!

Isang importanteng requirement daw yun ng lalakeng gustong magpakasal na. Ibig sabihin lang, he is financially matured na. And will be able to provide his family's needs and wants.

Balik tayo, may boyfriend nga daw siya, pero sinabi daw na hindi niya kayang magpakasal. Ayaw daw niya sa kasal. Hindi daw siya naniniwala sa kasal. Hindi daw siya magpapakasal kay mama. Gusto daw niya ay live in lang.

"Sabi ko naman kasi sayo ma, date a guy with balls! Hindi yung ganoon.." Sabi ko.

Hindi siya umimik. Naiiyak parin siya. Dapat ay hindi ko siya pinapagalitan. Dinadamayan ko dapat siya. Pero kasi...

"Ang malas ko naman sa lovelife.." tangis ni mama.

Niyakap ko siya, "Nandito naman ako ma.."

"Gusto ko lang magkaroon ka ng buong pamilya kahit papano.."

"Ma, I have you. I have lolo and lola, my titos and titas. My cousins. My friends... Wala na kong iba pang hinihiling ma.."

Mas lalo siyang naiyak sa sinabi ko. Hinahagod ko ang likod niya. Mama naman eh :---((

Ako ang nagluto ng lunch namin dahil hindi pa bumabangon si mama. Broken hearted eh, hayaan natin.

Magkatext kami ni Hence. Ngayon lang daw siya nagka oras dahil busy sa on the job training. Mabagal din siyang mag reply. Masaya na ako atleast nakausap ko siya kahit thru text lang.

Ilang linggo ko na silang hindi nakakasama pero okay lang. Graduating na sila. Kaya dapat mas pag igihan nila at mas mag focus sila sa acads. Naiintindihan ko naman iyon. Nagpapaka busy nalang rin ako.

May klase kami ngayon sa Exploration of fashion and costume. Isa sa pinaka favorite ko itong subject ito dahil sobrang kalog ng teacher.

May group project kami dito, pero patapos naman na. Creating and designing a particular accessory as a group.

Magkakatabi kami ngayon, Si Rosiana, Caylly at Kurtney. Apat kami sa grupo at ang product namin ay tassel earrings.

"Guys after we end this meeting, I would like to talk about the activity that we're going to do for this coming foundation week. The management required every department to have and think of something like booths. That will add fun to the celebration. What do you think?" Tanong ni Ma'am Jemaicah, bata pa siya, 21, pero chairwoman siya ng officers ng department namin, Bachelor of design arts (Fashion & costume design) kaya siya ang nag me-meeting sa amin tuwing may activities ang university o department. "Should be related on the course, guys.." dagdag niya.

Nag-isip naman ako... activity for this coming foundation day? Hmmm..

"Yes Ms. Lelaine Abrigo?"

Tumaas kilay ko sa narinig ko. Lelaine huh? Tinignan ko siya. Tumayo siya pagkatawag ni ma'am sa pangalan niya.

"Ma'am, why don't we have a wedding booth? With ahm.. photobooth?" Maarte niyang tanong.

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now