Chapter 7

1.1K 24 0
                                    



Nang matapos naming tapusin ang lahat para sa ibebenta sa bazaar. Ay nagpasya kaming mag kwentuhan tungkol sa mga kadramahan namin aa life. Tutal ay alas otso palang naman.

Nandito kami sa kwarto ko. Tapos si mama naman nagpaalam na may pupuntahan. Sabi pa niya, mga 10pm na siya makakauwi. I let her.

Ako ang naunang magkwento since marami nadin silang tanong kung bakit nag celebrate si mama na nakapag move on na siya. Kaya ayun I share about my mama's ruined lablayp. Na ayaw pala siyang pakasalan nung lalake, natatakot matali. Pag mga ganon, di seryoso yun! Daming pera pero ayaw ikasal. Hindi love yun. Lust lang yun. Mabuti nalang talaga at sinabi ni mama na hindi pa sila nagtabi matulog. Jusko!

"Hindi naman ako ganon, nak.."

Buti nalang talaga. Kundi tatanggalan ko ng balls yung lalakeng yun!

Ngayon naman ay nagkukwento si Caylly tungkol sa family niya. Broken family din sila kaya nakisama ako sa kwentuhan hindi ako basta nakinig lang. Parehas kami eh. Hindi kami pinalad na magkaroon ng buo at masayang pamilya. Iniwan daw sila ng tatay niya, pero kung ako ay bago pa ako ipanganak iniwan na, siya kung kelan lima na daw silang magkakapatid ay saka pa nambabae yung tatay.

Hindi ko alam kung sino sa amin ang mas maswerte. Ako ba na hindi na na meet yung walanghiyang yun, at nasanay na mula pagkabata na wala siya. O si Caylly na lumaking nandyan siya tapos biglang iniwan lang. Ipinagpalit sila sa ilang gabing kasiyahan lang. Parehong masakit.

Si Rosiana naman, nagkwento siya tungkol sa boyfriend niya. Okay naman daw kasi ang family nila. Sa Jowa niya daw siya may problema. Babaero daw kasi.

"Bakit hindi mo iwan, gaga ka?" Tanong ko.

"Mahal ko, gaga!" Sagot niya.

Hay nakoooo!! Buti nalang talaga at hindi ko problema kay Hence iyang ganyan. Yung babae.

Sunod na nagkwento ay si Kurtney, nagkwento siya tungkol sa mga kalokohan niya sa buhay. Wala namang kadramahan sa buhay niya. Puro lang happiness! Dahil bukod sa single siya at walang problema sa lablayp dahil masaya daw siyang single sa ngayon. Ay buo pa ang pamilya niya at nadagdagan pa nga ng isa dahil kapapanganak daw ulit ng mama niya.
"Hindi ko alam kung bubuo ba ng dalawang team ng basketball sila mama eh? Siyam na kaming magkakapatid. Feeling ko balak pa nila kaming dagdagan."

Nagtawanan naman kami sa sinabi niya. Sa aming apat, si Kurtney ang pinaka nakakatawa sa lahat. Mahilig siyang mag joke. Kaya kapag stress na kami at nagkakagulo about sa mga paper works, she know how to cool down the burning moment. Kaya yung badtrip namin ay nauuwi lang sa tawanan.

"Nga pala, si Lelaine sobrang crush yung boyfriend mo Lezia!" Ani Rosiana.

I rolled my eyes. "I know right."

Tumawa siya, "Paringgan mo nga minsan yung transferee na yun!" Sabi niya.

Oo transferee lang iyon si Lelaine last semester kaya naman hindi ko siya feel. Isa pa, balita sa klase na crush nga daw niya si Hence. Like duh! Andaming lalake sa school. Why my boyfriend?

"Hinahayaan ko nalang nga siya eh!" Sabi ko. Totoo naman. Madalas napapansin kong nakatingin siya sakin ng masama. But I don't mind haters kaya hinahayaan ko nalang iyon at pinapalampas.

"Nag audition daw siya para sa cheering ng team red." Sabi ni caylly.

"Woah? Really?"

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now