Chapter 20

971 19 0
                                    



Nag start ang dinner around 8 pm. Dito ang venue sa garden ng bahay nila. Katabi ko sa kanan si Petter at kaliwa ko naman si Ariella. Kasama namin dito sa isang long table ang mga pinsan ko at ilang pinsan ni Petter.

Sila mama ay ka table ang mga tito at tita ko kasama ang mga kamag-anak ni Petter.

"Bale despidida mo pala ito Petter Luiz!" Ani Ate shamsee habang hinihiwa ang karne sa plato niya.

Hinintay niyang sumagot si Petter bago niya ito isinubo.

"Oo ate shams!"

"Hayyy! Pano yan! Iiwan mo na si Ate Ariella!" Sabi ni Gene, pinsan ni Petter. Sabi niya kanina ay 15 years old siya. Brown ang kaniyang buhok at kulot ito na hanggang balikat lang.

"Kaya niya na ang sarili niya." Natatawang sabi ni Petter. Nilingon ko siya. Tuwang tuwa siya sa kwentuhan nila.

Bakit ako parang hindi natutuwa? Ano bang nangyayari sa akin?

Bakit hindi ako natutuwa na magkakaroon ng magandang trabaho ang bestfriend ko sa Manila?

"Naalala ko pa noong PNK iyang dalawang iyan, lahat ng nakuhang candy ni Petter sa agawan ibibigay niya kay Ariella agad eh. Kagawad ako noon." Sabi naman ni Kuya Rogie.

"Ngayon kadiwa na silang pareho!"

"Oo nga, pwede na! Pwede na!"

"Shut up felix!" Ani Ariella. "Ke binhi binhi mo pa eh!"

Nagtawanan sila. Ang tahimik ko grabe! Pinulot ko ang tinidor at tinuhog iyong patatas sa plato ko atsaka ito sinubo.

Ah so, si Ariella yung sinasabi nila na gusto ng family ni Petter para sakaniya?

Sabagay...

Maganda si Ariella, mas matangkad lang ako sakaniya pero pwede rin siyang panlaban sa mga pageants. Isa pa.. Iglesia Ni Cristo siya. Puro.

Talagang ang gaya niya ang bagay kay Petter Luiz.

"Ah excuse, banyo lang ako." Sabi ko kay Ariella na natatawa tawa pa dahil sa sinabi ni Fidel.

Tumango siya. "Sige! Alam mo kung saan?"

"Oo. Napunta nako dun kanina." Sagot ko.

Tinignan ako ni Petter nang tumayo ako.

"Where are you going?" Bulong niya.

"Restroom." Tipid kong sabi, di ko siya tinignan kaya di ko alam ano reaksyon niya.

Kinuha ko yung bag ko doon atsaka naglakad papasok sa malaking bahay. Yung pinuntahan namin kanina.

Dumiretso ako sa banyo sa may kusina. Malinis at maliwanag. Nag retouch ako ng konti bago lumabas.

Paglabas ko sa bahay ay natanaw ko mula dito ang masayang kwentuhan at tawanan sa table kung saan ako galing kanina. May nakaupo naring isang lalake doon sa inalisan kong upuan.

Ayaw ko ng bumalik. Saan naman ako pupunta? Busy din sila mama doon sa kausap niya, kumakain pa sila.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Naka silent pala ito mula kanina. Nagulat ako nang makitang may 15 missed call from Hence. Ang oras ng pagtawag ay mula umaga hanggang kaninang 5:45pm. Oh my?

Oo nga pala! Nakausap ko siya kagabi at sinabi niyang pupuntahan niya ako sa bahay.

May mga text din siya. Nasaan daw ako at kung nasaan manako ay hihintayin daw niya ako sa tapat ng bahay para makapag-usap kami. So nag hintay siya doon mula umaga hanggang hapon?

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now