Chapter 19

993 20 0
                                    



Sapo ko ang ulo ko. Puyat pa ako dahil alas dos na ng madaling araw natapos ang pageant kagabi. Si Ms. Teressa Mendez ang nanalo, BS tourism ang kaniyang kurso. Si Ellery naman ay first runner up. Still, hindi masama.

Pumunta ako sa kusina tapos ay nabasa ko ang note na nakadikit sa ref. "Zia, nasa Sta. Cruz ako."

Sulat kamay ni mama. Mahilig talaga siyang mag sulat ng note tapos ay ididikit sa ref.

Nagmadali na akong maligo. Miss ko na din sa Sta. Cruz kaya naman agad akong kumilos. Sumakay ako sa bus papunta.

Kita ko agad si Lola at mama sa may garden ng bahay dito, namimitas sila ng orchids.

"Hello Lola!" I hugged her.

Si mama tinignan ako at ngumiti.

"Aga mo ma?"

"Alas onse na kaya hija. Hindi lang kita ginising dahil alam kong puyat ka." Ani mama.

Natawa si Lola, "Next time, sa Bb. Zambales naman ha!" Aniya.

"Naku! Sana nga!" Sabi ni mama.

Natawa nalang ako. "Para saan po itong mga orchids?"

Inilapag ko ang bag ko sa sahig. Tapos
Kinuha ko ang isang gunting tapos ay tinulungan silang gumupit ng bulaklak.

"Papasyal tayo mamaya kina Ka. Fidel, dinner daw." Ani Mama.

"Sino po iyon?"  Tanong ko.

"Akin na itong mga bulaklak." Kinuha ni Lola ang mga bulaklak, kaya binitawan ko na din ang gunting.

"Dati silang Ministro dito sa Lokal ng Sta. Cruz. Ngayon ay sa Metro na sila naka destino.  Family week lang nila ngayon kaya sila pumasyal dito."

"Wow! Ano pong apelyido?" Tanong ko.

"Castillo." Sagot ni Mama.

Wait, what?

"Apo niya si Petter Luiz!" Sabi ni Lola. "Yung kaibigan mo dito, apo."

Oo nga. Petter Luiz Castillo ang tunay na pangalan ni Petter. Waw! Oo nga pala, nabanggit din ni Petter na iinvite nga pala kami doon sa dinner daw.

"Zia!" Napatingin ako sa gate. It's Ariella.

"Ariella!" Tugon ko.

"Lola, Hello! Tita!" Bati niya sa Mama ko at Kay Lola..

"Naparito ka agad?" Tanong ni Lola pagka mano ni Ariella.

"Ah! Mamaya po tayong gabi pupunta kila Ka Fidel?"

"Oo. Bakit?"

"Wala lang po. Naisip ko lang na pumunta na ng maaga doon ngayon at isasama ko po si Lezia!"

Lumaki ang mga mata ko pero di ako nagsalita.

"Tara Zia!"

"H-ha? Pero.."

Bago pa ako makaangal hinila niya na ako palabas ng gate. Natawa lang si Lola at Mama. Kaya natawa nadin ako at nagpatianod.

Sumakay kami ng tricycle.

"Uy, san tayo?"

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now