Chapter 10

1.1K 22 0
                                    


Binilhan niya ako ng icecream in cone para daw tumigil na ako kakaiyak. Ang childish pero nakatulong.

Lumabas kami sa mall habang kinakain ito. Strawberry flavor sa akin tapos sakaniya cookies and cream.

Hapon na at medyo lumililim na ang langit kaya't hindi namin alintana ang pagod habang naglalakad dito sa may park.

Maraming naglalarong mga bata sa may playground area. May mga magkasintahang nagde-date. May isang buong pamilyang namamasyal at nag pi-picnic.

Hindi pa namin nasubukan ni Hence na mag date sa labas ng school. Maliban sa mga get together namin kasama ang tropa ay hindi na kami lumalabas pa na kaming dalawa lang. Buong akala ko ay nililimita niya lang kaming dalawa, kasi kahit papano ay mga bata pa kami at hindi pa kailangang magpaka public. Pero nagkamali ako!

Limang taon.. limang taon ang nasayang. Ang dami dami kong tanong. Paano nila nagawa iyon sa akin? At bakit sa dinami dami ng babaeng iniisip kong lalandiin si Hence, bakit si Kimmo pa? Bakit yung babae pa na pinaka pinagkatiwalaan kong ipagtatanggol at kasama kong ipaglalaban si Hence mula sa iba. Akala ko she's protecting us, kaya masyado siyang nakikialam sa mga lakad namin ni Hence. Pero hindi pala. She's a slut!

"Tama na yan.." mahinhin na sabi ni Petter. Kita kong isinubo niya ang huling bahagi ng cone. Samantalang ako ay hindi ko pa nauubos ang mga nasa ibabaw.

"Sorry.." Sabi ko.

"Hindi iniiyakan ang mga ganon." Sabi niyang seryoso ang tono.

Inisip ko naman, bakit nangyari? Ang tanga ko naman. Akala ko swerte na ako dahil nakahanap ako ng lalake na hindi ko kailanman po-problemahin an mga babae. My God! Anong ginawa ko? All those years, niloloko lang pala ako. Ngayon lang nabubuo ang mga puzzle na matagal nang gulo sa utak ko.

"Oh! Mag a-alas sais na pala. Sorry, Zia. Kailangan ko ng umuwi." Ani Petter. Kita ko naman ang pagsulyap niya sa cellphone niya. Hala! Bakit ko nga ba siya hinila dito? Wala naman siguro siyang gagawin dapat kanina kaya sumama siya sakin diba?

"Salamat, Petter." Sabi ko with all my heart. Kung wala siya ay baka napagkamalan akong baliw kung umiyak ako mag-isa dito. Dahil hindi ko naman alam kung kailan lalabas ang luha sa mga mata ko. Wala akong maiyakan. Yung mga inaakala kong tropa ko, sila pa yung nang traydor sa akin. Yung bestfriend ko, siya mismo ang nanakit sa akin. Kaya wala talaga. Wala akong ibang mapagsasabihan. Thank you, Mr. Petter for letting me borrow you from your busyness.

"May aktibidad kasi kami sa kapilya mamaya eh. Sorry, I'll ditch you for now. Til next time!" Paalam niya. Kumakaway siya habang pasakay sa kahihintong bus sa harap namin.

Napangiti naman ako doon. So he mean, may next time pa?

I love to bond with him! Nakakagaan siya ng pakiramdam kasama.

Itinapon ko nalang yung icecream na hawak ko sa basurahan dahil tunaw naman na. Umupo ako sa swing at nagpaduyan duyan doon. Iniisip ko ang nangyari kanina sa coffee haus. Nanginig ako nang maalala ko yung video. Nandun pa ako sa bahay na yun mismo. Birthday niya noon! Ginagago na pala nila ako! Yung time na naalimpungatan ako ng madaling araw at nakita ko si Kimmo sa kusina na katatapos naligo. Yun yung paalam niya kay Hence na mag s-shower siya? Matapos nilang maglandian nagawa niya pa akong kausapin non? Sabagay, tagal na nilang ginagawa eh. Expert na sila. Mga gagong 'yon!

Bago pa ako umiyak ulit mag-isa, nagpasya nalang akong umuwi. Nagkulong ako sa kwarto. Binisita ko ang cellphone ko at nakita ko ang mga mensahe galing kay Hence.

Hence:

Nasan ka? Hindi ka nanuod?

Hence:

Hey? Babe?

Babe babe! Pweh!

Tinignan ko ang conversation namin. Maiikli ang reply niya. Wala kaming napag-uusapan maliban sa pagtanong kung kumain na ba ako. Madalas ay wala manlang good morning text, hindi ko manlang alam kung anong oras ba siya kung magising sa araw-araw. Minsan iniisip ko nalang baka wala siyang load. Pero kapag nagtext naman ako at may tinanong ay sasagot naman siya. Ibig sabihin ay talagang hindi lang  siya nagtetext sa akin.

Minahal ba niya ako? Ramdam ko naman na totoo yung love na galing sakaniya eh? Ano yun? Nagkamali ba ako pati doon?

Kinabukasan ay pumasok ako kahit wala kaming klase. May aasikasuhin kasi kaming mga officers, ilang araw nalang bago ang event. Okay narin ito. Kesa namin mainis lang ako sa palaging text ni Hence na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung alam na ba niya na alam ko na. Siguro naman ay nasabi na ni Kimmo! Obligasyon ko pa ba na ipaalam sakaniya? Dapat alamin niya kung bakit hindi ko siya pinag tutuunan ng pansin. Atsaka kung gusto niya talaga akong makausap, then pupuntahan niya ako sa bahay o sa klase ko! Coward!

Ang aking grupo na kasama sina Cay, Iana at Kurtney ay busy sa pagaasikaso nung fashion show. Saming apat kasi iyon itinoka. May napili naman na daw silang mga models kaya okay na dun. Pero syempre, kailangan ng matinding paghahanda.

Kasama ko ang ibang committee ng pageant na gaganapin. Nandito kami sa loob ng office ni Sir Dela Fuerto, President and owner ng aming School. Hinihintay namin yung mga binibini na sasabak sa patimpalak, it's their pre-pageant. Hindi kasi ito karaniwang school pageant lang. We have the same categories like BB. PILIPINAS. At ito ang pinaka pinaghahandaan ng bawat department. Kaya pinakapinipili ay iyong mga talagang may potensyal at maitataas ang department nila.

"Nakita mo na ba sila? Do you have any favorites?" Bulong ni Sir Raffah sa akin. Yung Chairman ng committee.

Of course support ko yung ka department ko na si Maria Ellery Hae. Pero hindi ko pa nakita ang performance niya.

"I don't have any, yet." Sagot ko.

Maya-maya ay pumasok na si Filla, assistant ni Sir Raffah, at sinabing ready na daw ang candidates.

They all look gorgeous and hot! Dahil pagpasok nila ay nakasuot sila ng black tube, tapos skinny jeans na white. Kani kaniyang postura ang kanilang ipinakita habang nag mo-model sa harap namin. Atsaka nag pose.

Labing walo silang lahat. Wala akong mapili sa unang tingin. Lahat sila magaganda. Lahat sila bongga!

Huminto ang music tapos isa-isa silang nagpakilala. Naalala ko noong nakaraang taon. Halong kaba at excitement ang naramdaman ko. Natakot din ako noong una, pero inisip kong kaya ko. Inisip ko na kung kaya nila, mas kaya ko. Kung maganda sila, mas maganda ako. Kasi sa ganitong competition, kahit madami kang supporters, ikaw at ikaw parin ang magdadala sa sarili mo. Ikaw parin ang gagawa para umangat ka sa mga kalaban mo. Inspirasyon mo sila na mga sumusuporta sa'yo, pero sa huli ikaw parin mag isa ang tatayo sa stage at haharap sa takot at kaba. Manunuod lang sila, at umaasa na mapapabilib mo sila.

Sa huli, ikaw lang mismo ang tutulong sa sarili mo. Kaya laban lang!

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now