Chapter 17

1K 19 0
                                    

Pag-uwi namin sa Masinloc ni mama ay nag-ayos akong agad para pumasok sa school. Isang linggo halos ako sa Sta. Cruz. At ngayon ay back to normal again. Kailangan kong bumawi sa school dahil andami pang activity ay nag feeling bakasyon na ako.

Nagsuot lang ako ng simpleng floral dress tapos dollshoes. Nag ponytail din ako dahil mukhang mainit.

"Zia.." 

Nasa gate palang ako papasok sa school ay narinig ko na ang tawag ni Sir Raffa. Nakita kong pawisan ang noo niya at mukha siyang haggard.

"Yes sir?" Agad kong lapit sakaniya.

"Can you check the back stage kung kumpleto na ba ang mga candidates? Mag a-alas nuebe na." Gulu gulo niyang sabi.

"Sino pong in charge doon sir?"

"Ayun na nga! Si Jeshua at Keanna wala pa. Eh sila ang nandoon dapat. Di naman ako makapunta doon at hinihintay ko dito yung isang judge."

"Aw. Okay sir!"

"Sige. Tawagan mo nalang ang number ko to inform me. Pasensya ka na ah? Di ka dapat magbantay doon dahil magpapasa ka ng crown bukas ng gabi.."

"Ano ka ba Sir.. it's okay."

Tumakbo na ako papunta sa likod ng stage at pumasok sa isang room doon. Room #1. Bale tatlong room kasi ang occupied nila dahil labing walo sila. Anim na candidates with their handlers ang nasa bawat isang room. Binilang ko sila at kumpleto naman na sila dito. Anim sila.

Lumabas ako at tumungo sa kabilang room. Kumpleto narin sila. Pati dun sa room number three, kumpleto na sila.

Inilabas ko ang phone ko at dinial ang numero ni Sir... agad naman niyang sinagot halatang hinihintay talaga ang update ko.

"Sir Raffa, kumpleto na po ang lahat. Pero hindi pa po sila tapos mag ayos." Magalang kong sabi.

"Ay nako! Sabihin mo sakanila na 5minutes nalang! Kumpleto na ang judges!"

"Awts sure sir!"

Natapos na ang tawag. Tapos inisa isa ko ang bawat room at sinabing 5minutes nalang. Nakasuot ang mga kandidata ng Peach sando na may tatak sa harap katunayang candidate sila. Tapos white skinny jeans at heels. May bilog na papel ding nakakabit da mga damit nila kung san nakalagay ang kanilang numero. Lalabas pa kasi sila sa simula at magpapakilala isa-isa matapos ang isang production number nila.

Nanatili ako sa room number one dahil sila ang unang mag pe-perform. At dahil din nandito si Ma. Ellery Hae, yung kandidata ng department namin.

"Ready na kami!" Sigaw nung baklang may hawak kay Ellery. Candidate Number one kasi siya.

Napangiti ako. "Magsisimula na rin po."

Mas lalo silang naging payapa nung nagsalita na ang Mcee. Umupo ako sa isang tabi. So hindi ako makakanuod? Talent portion lang today. Pero gustong gusto kong manuod.

Bumukas ang pinto. Si Sir Raffa ito. Sinabi niyang lumabas na ang lahat para sa production number nila.

Nanatili ako sa loob dahil kailangan kong bantayan ang mga gamit dito. Nasaan kaya si Jeshua at Keanna?

Choose right. Choose me. (COMPLETED)Where stories live. Discover now