Epilogue

1K 32 13
                                    

Thank you po sa lahat ng nagbasa at sumuporta sa story na to. Sorry din kung matagal yung mga updates ko. School stuffs sucks hehe. Nakaka ganang mag update lalo na't may nag-aabang pala sa susunod na chapter ng story. Na a-appreciate ko din yung votes and comments niyo. Kaya thank you sagad! =)

----------------

2 months later.....

"Nagbibihis na po" sabi ko habang sinusuot yung black legging short ko.

"Ha?! Nagbibihis ka pa. Tsk naman ohh!" sabi niya sa kabilang linya

"Ranz! Kung gusto mong ma-una, pumunta ka na! Wag mo nalang akong hintayin ok?!" 

"Osige na maghihintay na po. Bye Babe"

"Bye"

"I love you"

"Ok"

"Ok lang?! Walang i love you too?!"

"Tss love you too! Ok na? Bye na nga!" ang kulit uuugh!

"Naks! I miss you"

"Pakyo! Nanjan ka lang sa sala namin baliw!"

"Tss nilalambing lang. Ang KJ mo talaga!.Sige bye na!" 

at pinutol na ng baliw at makulit kong boyfriend ang linya. Opo. Nasa sala lang siya ng bahay pero kung makatawag akala mo nasa malayong lugar ako. Ganyan po siya pag nagbibihis ako. Syempre, ayaw kong papasukin sa kwarto ko no. Yung ibang couple kasi, porket mag boyfriend at girlfriend na, wala ng privacy lahat. Pwes, ibahin niyo ako. Yayks! Kahiya kaya.

Matapos kong suotin yung short leggings ko ay nagkamot pa ako ng ulo dahil nalilito ako kung anong susuotin kong damit. Nag away pa kami ni Ranz tungkol sa mga damit ko. Ayaw niya kasing magsuot ako ng shorts at sleevless na mga damit. Maski dress pinalalagyan niya ng cardigan! Baliw na talaga. Kasi daw, na-iinis siya sa mga lalaking tumitingin sa akin. Tsss! Dapat siya lang daw ang may karapatang makakita ng makinis kong balat. Dapat din daw maging conservative ako. Tss!

Eeeeh gusto kong mag suot ng mga ganun ehh. Mainit sa pilipinas no! Tsaka wag niya nga akong igaya kay Mich na sobrang conservative. Pero ang ending, sinunod ko yung haring masungit. Napaka liit na bagay lang yan kaya ayaw kong ma-uwi sa away.

Nag buntong-hininga ako at kinuha yung Floral dress ko. Napa kamot ulit ako ng ulo nang sinoot ko yung cardigan. Sinoot ko na rin yung doll-shoes ko at inayos yung anchor na necklace. Nilagyan ko ng clip yung buhok ko at napagtantong medyo mahaba na yung buhok ko. Straight sa taas at medyo may curl sa baba yung buhok ko. Ayos na ang lahat kaya kumindat na ako sa mirror sabay kuha ng purse at alis.  Aja!

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن