Chapter 50

992 21 8
                                    

Chapter 50

Finally

Nagising ako nang tumama sa akin ang sinag ng araw. Hindi ko pala nasirado yung kurtina ng bintana. Matamlay akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. 

"Shit" mura ko sabay hawak ng ulo ko. Ang sakit ng ulo ko. Damn. Parang ang bigat. Hinawakan ko yung noo ko at napagtantong mainit ito. May lagnat ba ako? Binalewala ko at humikab sabay inat. Tumingin ako sa salamin at

"Fuck" mura ko ulit nang nakitang maga yung mga mata ko. Umupo ulit ako sa kama at na-alala yung mga pangyayari kagabi.

Panaginip ba yun o totoo? Parang ang bilis ng pangyayari. Shit ayoko na. Ayoko ng umiyak!

Iisipin ko nalang siguro na walang nangyari kagabi. Parang kumikirot kasi kapag na-aalala ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Enough. Ayoko ng umiyak. Inayos ko yung magulo kong buhok at bumaba para kumain na ng breakfast. Lutang ako habang naglalakad patungong dining area. Nakita ko si Mommy na kumakain na. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom. 

"Anak, umiyak ka ba?" gulat na tanong ni Mommy. Umupo ako sa tapat niya at umiling. Tamad kong tinusok yung hotdog at tamad ding nginuya ito. 

Tumayo siya at hinawakan yung noo ko "Mainit ka ahh" sabi niya sa akin.

"Ok lang ako" nagulat ako nang narinig ko ang sarili kong boses. Bakit paos ako ehh hindi naman ako sumigaw kagabi? Binalewala ko ulit yun at ibinaling yung atensyon sa pagkain.

Pagkatapos kung kumain ay pinainom ako ni Mom ng gamot. Sinat lang to kaya sigurado akong mawawala din to. Umakyat ako sa taas at matamlay na humiga sa kama. Shit ang sakit talaga ng ulo ko. Parang sasabog sa sakit! Pinikit ko yung mata ko at nagulat nang biglang tumunog yung phone ko.

Si Yndine tumatawag. Alam kong magtatanong na naman ito kung anong nangyari sa akin kagabi. Gusto ko ngang mag sorry dahil imbis na sagutin siya ay tinalikuran ko lang.

Sinagot ko yung tawag niya at...

"Si Ranz babalik na ng states" bungad niya sa akin kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga ko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. May kung ano sa sistema ko na nagwawala.

HA?! BABALIK SIYA SA STATES?! BAKIT?!

"A-ano?" paos at gulat kong sabi

"Anong nangyari sa boses-

"Asan si Ranz?!" putol ko sa kanya. Lumakas yung pintig ng puso ko. Kinabahan agad ako at natataranta na.

"Nasa airport na! Wag mo ng habulin!" malditang sabi niya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. 

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now