Chapter 28

849 14 4
                                    

Chapter 28

Something Fishy

Di namin namalayang naka tulog na pala kami kaka panood ng movie. Kaya ang ending bagsak kaming lima! Nagising lang ako ng bigla na akong nahulog sa kama. Lakas naman maka sipa tong si Sheila! Tas nakita kong nasa sahig na si Ella. Nag inat nalang ako sabay hikab at binuksan yung malaking kurtina. Bumanda yung nakakasilaw na araw sa bintana ko kaya nagising din yung tatlong prinsesang tulog mantika sa kama. Sosyal nila ahh. Kama ko tas sila nakinabang. Kawawa naman tong si Ella, tulo laway pa. Yayks!

Omg this is the day. Ngayong gabi ko na siya makikita. Makikita ko na rin yung ultimate crush ko nung high school. le'dies. Pumunta ako sa may terrace at sumighap sa simoy ng hangin. Napapa ngisi tuloy ako lalo na't parang na iimagine ko yung killer smile at yung singkit niyang mata. Excited na excited na talaga akong makita siya. Nakaka miss din yung mga awayan namin dati. Natatawa nalang ako kapag na iisip ko yung mga aso't pusa moments namin. Sana naman di niya rin yun nakalimutan. Sana maging ok yung pagkikita namin mamaya. Sana di umurong tong sikmura ko mamaya. Haaaaay! Gwapo at mala anghel naman yung mukha ni Ranz diba? Pero bat ganun? Di naman nakakasuka yung mukha niya. Pero may parang kung ano-ano talaga sa tiyan ko ehh. Butterflies daw sabi nila haha. Shet

"Ang aga-aga day dreaming na naman?" tamad na bungad sa akin ni ella. Humikab pa

"Baho ng hininga mo ella! Mag mu-mug ka nga! Shoo!"

"Wow! Nagsalita!" sabi niya sabay talikod sa akin

Gumising na din sila Sheng, Sheila at Mich. Dulot siguro ng nakakasilaw na araw na tumama sa mga mukha nila.  Kabisado na talaga nila yung bawat sulok ng kwarto ko. Halos ituring na nga nilang bahay tong kwarto ko ehh. Ultimo sa pag kuha ng bagong sabon sa cabinet ko, alam nila. May sarili din silang cabinet at may mga damit din naman sila dito sa bahay. Yung iba nga masikip na sa kanila kasi highschool palang kami nung nandito na to. Agad na kaming nag mumog at bumaba para kumain ng breakfast. Bumeso kami kay Mommy para mag good morning. Di namin na abutan si Dad. Maaga kasi yung umaalis patungong work kaya si Mommy at Manang Norma lang naaabutan ko palagi.

"Good morning ladies. Kain na kayo" sabi ni mom

"Wow Hotdog!" sabi ni ella sabay kuha ng tinidor at tusok ng hotdog

"Tagal niyo namang nagising nak"

"Late na kaming natulog ma kasi nanood pa kami ng movies" sabi ko at umupo na para kumain

"Ahhhh ganun ba. Ohhhh bakit wala si Yndine?"

"Ka date si Kuya Ver" simple kong sabi. Sila Mich, Sheng at Sheila naman concentrate sa pagkain

"By the way nak, kamusta naman kayo ni Owy?" sabi ni mommy na ikinagulat nilang apat. Huminto pa sila sa pagkain at tinutukan pa nila ako. Ayy oo nga pala , si Yndine lang pala nakaka alam tungkol dun sa panliligaw ni Owy sa akin. Di rin naman alam ni mom na nanliligaw si Owy ahh, bat niya naman ako kinamusta tungkol dun? Shet

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now