Chapter 39

812 19 2
                                    

Chapter 39

Swing

"Nyliz, kuha ako ng orange sa ref ha" sabi ni Ella sabay tayo at punta sa ref kahit na di pa ako umu-oo. Nandito silang lima ngayon para bisitahin si Daddy. Si mommy ay umuwi na muna para kumuha ng konteng damit ni daddy. Mag ta-tatlong araw na si daddy dito. Parang gumuho yung mundo ko at halos di ako makahinga nang sinabi ng doctor na na-coma si daddy. Parang sinaksak yung puso ko nung sinabi niya yun at agad namang humagulgol sa pag-iyak si mommy. I can't accept the fact that he's in coma. Halos mag maka-awa si mommy sa doctor na sabihing hindi totoo yung sinabi niya but then the doctor just nodded.

And so were here. Waiting and praying na sana gumising na siya. Ang mga kaibigan ko lang ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin and I appreciate that. Ayoko ring umiyak lang ng umiyak. I need to be strong lalo na't kay Mommy. 

"Hoy Nyliz! Sabi ko pahingi ng orange" napatalon ako sa sigaw ni Ella sa akin. Lutang na naman ako ngayon. Except sa sitwasyon ni daddy ngayon, di ko pa rin makalimutan yung narinig kong sinabi ni Ranz.

JEALOUS

JEALOUS

JEALOUS

Ohhh God, baka imagination ko lang yun? Pero kasi, narinig ko nga. Pero, shit ugghhh ayokong mag assume. Anong kinaka selos niya? Bat siya magseselos ehh may girlfriend siya? Ang dami kong tanong na ini-isip ngayon at naguguluhan na talaga ako.

"Uhh ohh-oo kuha ka lang" sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Nyliz, may problema ba?" tanong ni Sheng sa akin habang nagbabasa ng magazine.

"Ahhh w-wala may ini-isip lang" sabi ko sabay smile sa kanya. Nag smile din siya at nag patuloy sa binabasa niya. 

"Yndine, paki balatan nga to" sabi ni ella nang naka kuha na ng orange sa ref. 

"Anong akala mo sa akin? Yaya?!" mataray na sabi ni Yndine kay Ella. Busy pa naman siya sa pag c-cellphone and no wonder na si Kuya Ver ang ka-text niya.

"Uhh pwede rin" walang modong sabi ni ella kaya natawa ako

"Fuck you!" sabi ni Yndine sabay tapon ng unan sa mukha ni ella.

"Eeeeee hindi nga ako marunong mag balat nito. Sige na" at lumapit kay Yndine "Please" pahabol pa niya sabay puppy eyes kay Yndine. Nagbuntong hininga nalang si Yndine at kinuha yung orange na hawak ni ella.

"Para orange lang di mo kayang balatan?! Paturo ka kay Villafuerte!" sermon ni Yndine habang binabalatan yung orange. 

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now