Chapter 25

847 11 1
                                    

Chapter 25

Infinity

Habang sinasayaw ako ni owy, napansin kong may tao dun sa likod ng isang puno. Ewan ko kung sino pero curious lang. 

"Owy" 

"Hmmm?

"Feel ko may nakatingin sa atin"

"Huh? Sino naman?"

"Dun oh" sabay nguso sa isang puno

"Ehh ano ngayon kung may naka tingin sa atin?"

"Ahh ehhh nakakahiya kaya"

"Ano naman ang nakakahiya?"

"Ehhh ano pa ba, ehh itong ginagawa natin"

"Hindi naman to nakakahiya ehh. Hayaan mo nalang. Inggit lang siguro kaya palihim na tumitingin sa atin" naka ngising sabi niya

"Tse!" at sinapak siya. Tumawa lang naman ang kumag "Owy, uwi na kaya tayo?"

"Hmmm bored ka na ba sa pagsasayaw? Haha" 

"Baliw! Hmmm gusto ko ng matulog ehh. Ina antok na ako" sabay hikab

"Ok, if that's what you want" huminto kami sa pagsasayaw at inayos na yung lahat. Kinuha ko na yung bag ko at maglalakad na sana ng...

"Nyliz teka lang" 

"Hmmm?"

"May ibibigay lang ako sayo" huminto ako at hinarap siya.

"Para sayo" sabay abot ng isang kulay royal blue na box

"Ano to?" nagtataka kong tanong

"Buksan mo" naka ngiting sabi niya.  Binuksan ko ang box at nanlaki yung mga mata ko ng nakita ko ang laman nito. Isang silver infinity bracelet! 

"Seryoso?" gulat kong sabi

"Oo naman haha." kinuha niya yung bracelet at sinoot sa left hand ko. 

"Bakit infinity?" tanong ko sa kanya

"Infinity kasi, sagad sa buto ang pagmamahal ko na ewan ko nalang kung di mo parin pansin. At di ako titigil at di ako magsasawang ipakita sayo na importante ka sa buhay ko. Kahit na--"  di niya tinapos yung sinabi niya. Di ko na rin alam kung ano ang sasabihin ko or kung ano ang gagawin ko sa mga sinabi niya. Please owy, wag kang manligaw. Huehue

"Thank you owy. Nahihiya na talaga ako sayo!" yun yung pumasok sa isip ko kasi ayaw kong mag moment kami dito. Ang drama ng kumag ehh

"Ano namang ikinakahiya mo?"

"Nahihiya na ako sa mga ginagawa mo. Nag treat kang kumain tayo sa mall tapos dinala mo ako dito sa isang romantic place at kumain ulit. Binigyan mo pa ako ng mga roses tapos sinayaw mo pa ako at ngayon binigyan mo na naman ko ng mamahaling bracelet" 

"Anything for my princess nga diba?" naka ngiti niyang sabi. Di ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko kaya niyakap ko nalang siya. Isang mahigpit na yakap. Friendly hug lang naman. Kanina ko pa kasi siya napapansin na malungkot kaya yinakap ko nalang siya. Pagkatapos kong yakapin siya, nakita kong nagulat siya.

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now