Chapter 44 (part 3)

703 17 3
                                    

"Ok na po ba siya nurse?" tanong ni Lola Helen sa nurse na nag-aalaga sa akin. Buti nalang talaga at tumawag agad ng nurse si Lola Helen nung lumubo bigla yung labi ko. Gulat na gulat kasi ako sa sarili kong mukha!

"Ok na po siya. Napa inom ko na po siya ng gamot" sabi ng nurse kay Lola Helen. Napa hawak ako sa labi ko "Advice lang, wag mo nalang masyadong hawakan ang labi mo. Para mapadali ang pag galing" baling niyang tingin sa akin sabay ngiti. Agad ko namang binitawan yung labi ko

"Bakit ba lumubo yung labi niya nurse?" tanong ulit ni Lola Helen

"Allergy po. May nakain po siyang bawal sa kanya kaya lumubo yung labi niya" sabi ulit ng nurse.

"Ano ba nakain mo iha na bawal sayo?" tanong ni Lola Helen sa akin

"Sa pagkaka-alam ko po, yung sinabawang gulay, prutas at ahhhh-yung shrimp po na bigay ni Ranz" 

"Allergy ka siguro sa shrimp" sabi ng nurse

"Ohh allergy ka pala sa shrimp, bat mo kinain?"

"Di ko po kasi alam na bawal po ako nun ehh" napa kamot tuloy ako sa ulo ko. Nakita ko pang nag pilit ng tawa si Ranz. Katabi ko siya ngayon. Naka-upo siya sa kama malapit sa ulo ko habang ako naman ay naka higa. Ang sarap talagang pektusan ng kumag na ito! Kanina pa to sa van tawa ng tawa ehh! Imbis na tulungan ako, tawa lang siya ng tawa na parang demonyo! Uuuuugh!

"Magpahinga ka na lang muna. Sige mam, alis na po ako" naka ngiting sabi ng nurse kay Lola Helen at nag smile na din ako sa kanya

"Thank you nurse" sabi ni Lola Helen at umalis na yung nurse. Pagkalabas ng nurse sa kwarto ay agad na inekis ni Lola Helen yung dalawang kamay niya. Tinignan niya si Ranz ng masama kaya natawa ako. Tinakpan ko nalang ng kumot yung bibig ko.

"At ikaw naman Ranz, bat mo naman pinakain ng shrimp yang girlfriend mo. Ehhh alam mo namang allergy siya nun?" tanong ni Lola Helen kay Ranz

"La, di ko naman po alam na allergy siya nun ehhh" natatawang sagot ni Ranz. Sarap talagang pektusan ng kumag na ito! Inirapan ko nalang siya

"Osha sige, alagaan mo si Nyliz.. May aasikasuhin lang ako." sabi niya sabay lakad. Nang makarating na siya ng pinto ay may sinabi pa ulit si Ranz

"Hindi niya nga rin alam na allergy siya nun ehh hahahaha" halos mamatay na siya sa kakatawa. Sana talaga mabilaukan tong mokong nato! Mabilaukan sa sarili niyang laway! Shet! Tumalikod ako sa pagkakahiga kasi inis na inis na ako sa tawa niya.

May lakad pa sana kami ngayong hapon kaso di na natuloy dahil nga sa nangyari sa akin. Sayang nga ehh. Mag ho-horse back riding pa daw sana kami. Tsk kainis naman. Bat naman kasi nangyari to. Nakakahiya tuloy.

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon