Chapter 37

799 19 2
                                    

Chapter 37

Skinny

 

 

 

"Problema mo jan? Bat naka tunganga ka na naman?" tanong ni Yndine habang kumakain ng chichirya. Haaay panira ng moment tung babaeng to. Sa bagay sinong hindi tutunganga sa pinagawa sa akin ni Niana. Shit nakakahiya! Pero nakakapagtaka lang, anong maling nasabi ko sa kanya? Bat siya tumakbo? Weird

 

"Wala! Ini-isip ko lang kung anong oras tayo uuwi!" palusot kong sabi. Hmmm for sure hindi kami uuwi hanggat hindi uuwi sila Kuya Ver. Kainis naman!

 

"Eeee maya na nga tayo uuwi diba?! Pag umuwi na sila my loves, sabay na tayo" mataray niyang sabi sa akin at pinapak na naman yung chichirya. Sabi ko na nga ba ehh. Inirapan ko na lang at pinaglaruan yung phone ko. Nasa porch kami ngayon nakatambay kasi nag p-practice yung chicser sa parang room na ewan ko kung dinesenyo ba talaga yun para sayawan. Si Niana naman, ewan ko rin kung saan napadpad. Ayyy basta ewan gusto ko dito kasi presko ang hangin.

 

"Nyliz may tanong lang ako" sabi niya at hinarap pa talaga ako. Matamlay ko rin siyang tinignan. "May gusto ka pa kay Ranz diba?" diretso niyang sabi sa akin. Lumakas na naman yung kabog ng dibdib ko pagkarinig ko sa pangalang Ranz. Shit! Ayan na naman ehhh! Kainis! Pinandilatan ko siya kasi ang lakas ng boses niya. Baka may makarinig sa sinabi niya.

 

"May girlfriend na yung tao! Tsaka hinaan mo nga yang boses mo!" naiinis kong sabi at kabadong tinignan ang paligid. Baka may makarinig pa naku mahirap na jusme!

 

"Di mo sinasagot yung tanong ko gaga! Alam kong may girlfriend siya baliw! Ang tanong ko lang naman, may gusto ka pa rin ba sa kanya?!" mataray niyang sabi. Sana nga mabilaukan tong babaeng to ehh! 

 

"I'm trying to forget him okay?" inirapan ko siya at pinaglaruan ko na naman yung phone ko. Sana tumigil na siya sa kakatanong. Kinakabahan ako na baka may makarinig pa. 

 

"So, may gusto ka parin sa kanya?" Ahhhhhhhhhhhhhh! Makakapatay talaga ako ng wala sa oras! Shit! 

 

"Uso hinaan ang boses Yndine!" inis kong sabi sa kanya. Tinawanan lang ako ng bruha. Shit!

 

"Uso diretsohin tanong ko" sabi niya sabay belat. Bakit ba kasi palagi nalang ganito. Ako nalang lagi talo kapag ka-away ko tong bruhang to ehhh. Kainis shit!

 

"Oo na po. Pero syempre kailangan ng kalimutan diba? Kasi may girlfriend na po! Ok na po ba?!"

 

"Ok then that's good" simpleng sabi niya sabay kibit-balikat

 

Haay. Bat ba kasi di ko tanggap na may girlfriend siya? I mean, ugh! Bitter ba ako? Tss I'm being the assuming type of girl na naman. Na sa huli, ako na naman yung iiyak. Pero kasi...ayyy ang gulo naman ng love life ko! Pwede kumain at matulog nalang palagi? Nakaka stress mga lalaki ehhh! Sakit sa bangs!

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now