Chapter 27

902 13 0
                                    

Chapter 27

Operation Preparation

Pagkatapos ng intermission number ko sa gitna ng kalsada ay pumasok na ako sa kotse ko at masayang umuwi ng bahay. Di ko talaga mapigilang ngumiti habang nag mamaneho kasi kinikilig ako lalo na't na iisip kong nandito na pala siya. Halos abot tenga na nga tong ngiti ko. Napa isip tuloy ako, ano kaya mangyayari bukas kapag nagkita kami? Siya kaya yung nakita ko nung nasa starbucks ako? At nung nasa mall kami ni owy? Hmmm di naman siguro. Haaay sana di talaga ako atakihin ng pagiging mahiyain ko bukas. I still have that effect on him. Yun bang kapag na iisip ko siya parang may umu-urong sa sikmura ko. Yung parang natatae ako yung ganun? Ayy basta ang hirap e-explain. Pero one thing for sure kapag siya ang laman ng utak ko, nanlalamig at pinag papawisan kamay ko. Hahaha shit Ranz! 

Nang nakarating ako sa bahay ay bumungad agad sa akin si Mommy. Wala akong planong sabihin sa kanya na nandito na si Ranz at may party bukas pero...

"Nak, nandito na pala si Ranz" sabi niya nang dumating ako. Pano niya naman nalaman?

"Bat niyo po alam ma?" sabi ko sabay beso sa kanya

"Syempre sabi ni Tita Elcid mo" ayy oo nga pala. Bobo mo talaga Nyliz! Tinutukan niya lang ako at hinintay kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya.  "Hmmm bat di ka man lang kinilig jan?" naka ngising sabi niya

"Yndine already told me"

"Uhh okay. Kaya pala wala kang reaksyon jan" 

"Akyat na ako sa taas ma. Dami ko pang gagawin" palusot kong sabi kasi ayaw kong topic namin si Ranz

"By the way nak, sabi ni Tita Elcid mo, may party bukas and you need to go" 

"Yndine already told me that too" naka ngisi kong sabi

"Ahh ok sige akyat ka na" at hinalikan niya na ako sa pisngi. Good night kiss "Goodluck tomorrow Baby. Hmmm excited to meet him?" naka ngising sabi ng nanay ko kaya binigyan ko nalang siya ng "WHAT THE HELL MA!" na look at di nalang pinansin.Nakakatawa naman tong nanay ko. Supurtadong suportado sa pagiging head over heels ko kay Ranz hahaha.

Umakyat na ako agad sa taas at nang makarating sa loob ng kwarto ko ay agad na tumalon sa malambot kong kama at parang baliw na hinagis hagis yung mga unan. Omg! Totoo ba talaga yun? Magkikita na talaga kami bukas? Ayy shet naman. Kasing pula na talaga ng kamatis tong pisngi ko. Grabe epekto ko kay Ranz no? To think na ini-isip ko pa lang pulang-pula na, ehh pano kung magkita na talaga kami bukas? Omg omg omg waaaah! Oxygen please. Emergerd! Ano kaya isusuot ko bukas? Saan yung venue? Sa bahay ba nila? Shet kelangan ko talaga si Yndine ngayon kasi magaling yun mag advice pero may date pa eh, so baka mamaya nalang. Ahhh alam ko na, itetext ko nalang si Ella, Mich, Sheila at Sheng!

To: Ella, Sheng, Sheila, Mich

I need you guys here! ASAP  Emergency huehue

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now