Chapter 23

924 12 0
                                    

Chapter 23

Let Me

Nang dumating na kami sa mall ay agad na kaming pumunta sa forever 21. Hindi naman ako nahirapang pumili ng e-gi-gift kasi alam kong gusto niya ng mga ganito. Binilhan ko siya ng Cool Mirror Aviator Sunglasses (yung may pagka blue yung glasses) isang Punchy Chronograph na watch (color brown) at isang Iconic Skinny Faux Leather Belt (kulay black). Mahilig kasi si Ella ng mga sunglasses, belt at watch. Pero hindi yung tipong "pa-girly" o "kikay". Si sheng, sheila at mich lang naman ang may pagka kikay saming anim. Ako kasi, ok lang kahit ano. Si Yndine naman, simple lang. Pero si Ella may pagka boyish din yan kaya eto yung naisipan kong ibigay. Wag na wag na wag mong bibilhan/regaluhan ng DRESS yan kung ayaw mong makita ang mamahaling gift mo sa basurahan. Hahaha!

"Yan pala mga gusto ni Ella?" tanong ni owy habang naka pamulsa. Habang ako naman ay papunta ng counter para magbayad

"Hmm yup" sabi ko

"Ikaw anong mga gusto mo?"

"Gusto? Like what? Damit?"

"Oo yung mga ganun"

"Uhhmm kahit ano siguro? Haha"

"Sa bagay, kahit naman anong isuot mo bagay sayo" nagkibit balikat siya at ngumisi

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang counter. Nang makarating ako sa counter ay nasa gilid ko parin si Owy. Kinuha ko na ang wallet ko para kumuha ng pera at nagbayad. Pagkatapos kong magbayad ay lumabas na kami sa store. Nag offer pa siya na siya na yung magbitbit nung binili ko. Sabi ko naman wag na kasi hindi naman ito mabigat. Pero mapilit pa rin ang mokong at kinuha yung plastic bag mula sa akin. Habang naglalakad, napapansin kong palaging naka tingin si Owy sa paligid. Tinataas pa niya yung leeg niya. Yung parang may hinahanap? Tapos di mapakali yung mata niya. Sino kaya hinahanap nito?

"Sino ba hinahanap mo?" tanong ko habang naglalakad

"W-wala. Uhhm san tayo kakain?" 

"Bistro Ravioli nalang tayo"

"Ok" simpleng sabi niya

Pagkadating namin dun ay kinuha na namin yung menu at umorder. Umorder ako ng Chicken Pesto Spaghetti at Teramisu for my dessert. Yung kay Owy naman ay Molto Meatball Spaghetti at Choco Lava naman yung dessert niya. Umorder din kami ng Pepperoni Pizza. Sorry ang baboy namin ngayon ehh. Haha! Habang hinihintay yung order namin, napansin ko na namang tumitingin si Owy sa paligid. Ano ba kasing problema owy?! Palagi din niyang tinitignan yung phone niya. 

"Owy! Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya 

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now