Chapter 48

685 18 4
                                    

Chapter 48

Announcement

7 am yung pasok ko kaya medyo ina-antok pa ako. Sino ba kasing hindi aantukin ehh alas dose na ako natulog ka gabi.

Pumunta kasi kami sa bahay nila Mich. Next week na kasi yung debut niya kaya nag brain storming kami sa magiging theme ng debut niya. Ayaw ni Mich ng mga cotillion. Ayaw niya rin ng gown at masquerade kaya mas lalo kaming na challenge sa magiging theme ng debut niya. ilang bangayan at suggestion ang binigay namin at ang ending...

PAJAMA PARTY!

Ang unique diba? Sa debut daw niya, dapat naka pantulog kami lahat. Tapos sa rooftop daw yung party. Sure ball na sleep over ang hantungan niyan. Ang cool nga ehh. Kaya na excite kami lalo. Yipeeeee!

Papungay-pungay yung mata ko. Kunyari nagsusulat lang pero umi-idlip lang ng konte. Buti nalang talaga at matanda tong prof namin. At buti nalang talaga at pandak siya kasi baka makita niya ako dito sa likod na natutulog at di nakikinig sa discussion niya.

Napa talon ako nang biglang nag vibrate yung phone ko. Tamad kong tinignan kung sino yung nag text.

Owy

What time matatapos yung morning class mo?

Si Owy pala. Parang, bumabalik na naman siya sa mga text niya ahh? Dati kasi parang lumalayo siya. Ang weird naman ng kapatid ni Kuya Ver!

Ako

11 pa

Owy

Pwede sabay tayong mag lunch?

Sabay kaming mag la-lunch? Uyy baka libre na naman to hehe! Nag vibrate ulit yung phone ko at

Mr. Sungit

After your class, I'll meet you. Lunch tayo together =)

Halos nawala yung antok ko nang nakita ko yung text ni Ranz. Napa lunok laway ako at napa hawak sa labi ko. Kumalabog yung puso ko lalo na't nagyayayang mag lunch si Ranz. Pero...

Iwas Nyliz. Iwas.

Ang unfair naman kung sasabay ako kay Ranz eh si Owy ang unang nagyaya. Tsaka dapat akong umiwas sa kanya diba? Kaya wag kang kiligin Nyliz!

To Mr. Sungit

Sorry. Nagyaya din kasi si Owy ehh. Umo-o na ako

Reply ko sa kanya. Ok I lied. Ayaw ko siyang makasama. Ayaw ko siyang makita. Iiwas ako dahil ito ang dapat. The more na malapit ako kay Ranz at nakikita siya ay mas lalo lang akong masasaktan kapag bumalik na si Trisha. 

To Owy

Sure =)

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now