Chapter 19

939 16 0
                                    

Chapter 19

Paranoid

Pagkatapos naming kumain, nag pasya ang mag jowa na magpahangin sa beach. Sunod nalang ako ng sunod sa kanila. Ayaw kong mag mukmok sa kwarto kaya nandito ako ngayon kasama sila. Para akong buntot na sunod ng sunod sa kanila. Shet! 3rd wheel sucks! Nakita ko yung ibang section na malapit sa cottage. Naka upo sila sa buhangin at pinalilibutan nila ang isang apoy. Yes bonfire. Nag gigitara pa yung ibang mga lalaki at kumakanta pa yung mga babae. Nasa likod ako nila Yndine at Kuya Ver. Susunod na sana ako sakanila para makapag lakad lakad din sa beach ng biglang may tumawag sa akin

"Nyliz" lumingon ako. Nakita kong tinawag pala ako ni James. Naka ngiti niya ako tinawag.

"Oyyy" sabi ko at natigilan sa paglalakad.

"Sama ka dito. Jamming tayo!" ngumisi pa siya at nakita ko ring nag smile din si Louise sa akin. Naka layo na sila Yndine at Kuya Ver. Tangna parang invisible lang ako sa kanila ahh. 

"Ah-ehh ano kasi uhmm wag na he he" nakakahiya naman kasi. Ayokong ma OP kasi di ko naman kilala yung mga ibang section. Si Louise lang tska itong si James.

"Sige na nyliz. KJ mo naman" patawang sabi ni Louise. Ngumisi nalang ako sa kanya. 

"Wag nalang talaga. Kayo na. Haha tsaka pupunta pa ako dun sa kwarto nila Sheng" palusot ko kasi nga ayaw ko talaga.

"Uhh-huh ok sige" nagkibit-balikat nalang si Louise

"Basta kung na iinip ka na, punta ka lang dito. Saya dito ohh" pa ngiting sabi ni James.

"Sige ba. Osha sige balik na ako rest house. Bye" sabi ko sa kanila at umalis na din patungong rest house" 

Pumunta nga naman ako sa kwarto nila Sheng at Sheila. Ayoko sa kwarto kasi wala si Yndine. Nandun si Mich kaya puro kwentuhan yung nangyari. Wala si Ella at Yndine. Alam niyo naman kung bakit. Mga ilang oras din kaming puro chikahan lang. Pinag-usapan pa namin yung mga memories namin nung high school. Pati yung mga kabaliwan namin noon. At di rin maiwasang pa topic si Ranz.

"Crush mo pa rin ba yung si Sungit?" tanong ni sheila habang kumakain ng chichirya

"Ano sa tingin mo? Haha" patawa kong sagot. 

"Haaaay! Ikaw na siguro ang dakilang tanga! Kay dami-daming manliligaw na dumaan sayo at ni isa wala kang sinagot. Ok all right I get it, you're still waiting for Ranz na may crush din sayo. Ayy ewan! Pero Nyliz, matagal na yun. Hindi naman sa nangengelam ahh, pero pano kung may girlfriend na si Ranz?" 

Parang kinirot yung puso ko sa huling tanong ni Sheila. Oo nga naman. Ang dami kong manliligaw pero ni isa wala akong sinagot. Hinihintay ko pa kasi yung dakilang torpe na bumalik sa buhay ko. Hinihintay ko pa kasi yung mga sagot sa mga katanungan ko. Hinihintay ko pa kasing sabihin niya yung totoo. Oo, naghihintay ako. At kaya kung mag hintay para lang malaman ang totoo. Weird right? Pero kasalanan ko bang umibig sa isang taong ma sungit at torpe? No, it was never my fault. I mean, yung puso ko. Kasi siya yung tumitibok. Kasi siya yung tumatalon lalo na't nandyan siya. Kasi siya yung naghuhuramentado pag lumalapit siya at siya yung parang lalabas na sa katawan ko kapag ngumingiti siya. I am willing to wait, as long as kaya ko pa. Siguro nga may iba na siya pero nandito parin ako at nagtatanong kong totoo bang minahal niya ba talaga ako.

"edi wala tayong magagawa" sabi ko sabay plastik na ngiti. Wala na kasi akong ibang masagot.

"Nyliz, alam naman namin na gusto mo si Ranz noon pa man at nandito kami palagi para suportahan ka. Nag aalala lang naman kami sayo. Ayaw naming sa huli, ikaw yung masaktan. Alam kaya naming halos gawin mong basahan yung unan mo nung nalaman mong hindi sumama si Ranz dito sa pinas! Pano na kaya kung may girlfriend na siya diba? Ayaw lang naming nakikita kang nasasaktan kasi nasasaktan din kami. Gusto naming ready ka kapag umuwi siya dito at tanggap mo kung anong meron sa kanya. Kung may girlfriend man siya o wala. Ang gusto lang namin, wag mong ibuhos lahat kay Ranz. Mag tira ka ng konti para sa sarili mo. Kasi once na ibagay mo lahat ng pagmamahal mo sa isang tao, naku! Goodluck nalang!" sabi pa ni sheila

Nagkibit-balikat nalang si Sheng at Mich sa sinabi ni Sheila. Habang ako, litong-lito. Naguguluhan at at the same time, nasasaktan. Oo nga no? Pano kung may girlfriend nga siya? Ready ba ako? Dapat kasi oo, kasi hindi naman siya akin at hindi ko naman siya pag mamay-ari. Crush nga niya ako pero dati yun. Gaya nga ng sabi ni Yndine, ang crush ay isang paghanga lang. Pwede itong mawala kalaunan. Pero bakit? Crush ko si Ranz pero bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya? Bakit siya parin yung hinahanap ng puso ko? Ehh si ranz, ganun din ba siya? . 

Napagpasyahan naming matulog na. Medyo nagiging emosyonal na kasi ang usapan kaya sinabi ni sheila na magsitulugan nalang. Nagpa alam na ako sa kanila kasi pupunta na ako ng kwarto ko. Ganun din naman si Mich kaya sabay kaming lumabas sa kwarto nila sheng at sheila. Pagka dating ko ng kwarto, wala pa si Yndine. Humiga nalang ako at pinikit yung mga mata ko. Kanina pa ako naiiyak. Naiiyak ako lalo nat na iisip kong may girlfriend si Ranz. Na iisip kong hanggang crush lang ako. Ano ba yaaaan! Sayang lang ang luha mo sa walang kwentang  crush-crush na yan! YOU'RE BEING SO PARANOID NYLIZ! SO SHUT THE FUCK UP AND SLEEP! </3

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें