Chapter 32

801 15 2
                                    

Chapter 32

Rude

"Love, cr lang ako" sabi ni Yndine sabay tayo

"Ako rin" mabilisang sabi ni mich at agad ding tumayo. 

"Okay" at ngumiti sa kay Yndine. 

"Ikaw Nyliz?" tanong ni Yndine sa akin at pinandilatan ako. Alam ko kung ano ang nasa isip niya kaya tumayo na lang din ako at sumabay sa kanila. Dumiretso agad kami sa cr. Alam kong uulanin na naman ako ng mga tanong nito.

"Sabihin mo nga yung totoo nyliz, umiyak ka ba nang dahil kay Ranz?" diretsong sabi ni Yndine nang nasa loob na kami ng CR. Kami lang tatlo dito kaya walang makakarinig sa amin. Sasabihin ko ba sa kanya na umiyak ako kasi nakita kong may ibang kasama si Ranz?

"Uhhh-

"C'mon girl. Say it" sabi din ni Mich kaya wala akong nagawa kungdi tumango nalang. Nag buntong hininga silang dalawa at inekis yung mga kamay nila. Parang hinihintay nila kung ano yung sasabihin ko. Suminghap narin ako at inayos yung buhok ko.

"Ok ok. I've met Ranz kanina tapos nakita kong may kasayaw siyang babae at kitang-kita sa mga mata niya yung saya habang hawak yung bewang ng babae. It's probably Trisha. His girlfriend right?" mabilisan kong sabi. Ang lakas ng pintig ng puso ko pero ewan ko ba kung bakit nasabi ko pa yun ng walang preno. Maybe I was just too hurt kaya ko yun nasabi agad. Habang sinasabi ko yun ay nag r-replay yung mga eksena kanina. Ang gusto ko nalang gawin ngayon ay umiyak kasi ang sakit kimkimin yung nararamdaman kong sakit sa loob. Ang sakit ng lalamunan ko na para bang gusto kong sumigaw ngunit di pwede. I need to be strong. Alam kong masasaktan din sila kapag nakita nila akong umiiyak. I need to keep this feeling. 

Nagtitigan silang dalawa at ibinaling ulit yung tingin sa akin. Para akong estatwa dito kaya pilit akong ngumiti. Ayaw kong mahalata nila na di ako ok.

"Kaya ka umiyak?" 

"No! Sa usok nga yun sa dance floor e" pagsisinungaling ko ulit.

"Alam kong hindi ka ok" sabi ni mich sa akin. Ngumiti nalang ako kasi ayaw kong nag-aalala sila sa akin. 

"Promise, ok lang talaga ako" sabay hawak sa braso niya.

"Were not yet sure kung girlfriend niya ba yun Nyliz" parang na naiinis na sabi ni Yndine sa akin.

"C'mon guys! Stop the concern thingy.  Girlfriend niya man yun o hindi, wala tayong magagawa at wala akong pakelam kasi in the first place, hindi ko siya pag mamay-ari. I was just his crush noong high school and I bet hanggang doon lang yun. Puppy love?" sabi ko sa kanila at nagkibit-balikat nalang sila sa sinabi ko. Alam kong concern talaga sila sa akin kaya nga nagpipigil ako sa nararamdaman ko ngayon. I need to keep it just for myself. Kahit na masakit ay kelangan kong mag kunwaring ok at masaya ako.

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon