Chapter 45

897 22 6
                                    

Chapter 45

Cotton Candy

Gabi na at kumakain kami ngayon sa hapag kainan. 7 pm na at pagkatapos namin dito ay uuwi na kami.  1 hour lang ang byahe kaya by 8 pm ay nandun na kami. Katabi ko si Ranz pero halos di ako maka tingin sa kanya. Lutang pa ako ngayon at di pa rin nag si-sink-in yung sinabi niya kanina sa rooftop. Halos tulala na nga lang ako habang kumakain. Pilit ko namang inaayos ang sarili ko kasi baka mapansin nila Lola Helen at Ranz na wala ako sa sarili ko.  Naguguluhan ako. At ayaw ko din namang mag assume.

Nang nasa van na kami ay tahimik lang din kami. Naka tingin lang ako sa labas para tignan ang mga punong nadadaanan namin kahit na gabi na. Naiilang ako at kinakabahan pero tuwing napapatingin ako kay Ranz ay nag s-smile lang siya. Yung para bang wala lang nangyari. Yun bang normal lang sa kanya yung sinabi niya. Normal lang naman talaga lahat. Ako lang ang abnormal dito.  Ako na assuming kasi nilalagyan ko ng meaning yung mga sinasabi niya. 

Nang makita ko na ang mga pamilyar na lugar ay hudyat na malapit na kami sa bahay namin. Hinatid nila ako sa bahay namin at inayos ko na yung sarili ko. 

"Thank you po sa time la. Nag enjoy po ako ng sobra. Bye po" sabi ko kay Lola Helen at agad naman itong nag smile. Tatayo na sana ako at lalabas na ng van nang....

"San na yung goodbye niyo sa isa't-isa?" tanong ni Lola Helen na para bang nalilito

"Bye Ranz" kumaway pa ako sa kanya. 

"Bye" sabi niya with a smile

"Ganyan ba kayo magpa-alam sa isa't-isa? Wala bang goodbye kiss?" tanong ni Lola Helen. Kinabahan agad ako at may roller coaster na naman. Napatingin ako kay Ranz na sinasabi bang "baka nahahalata na tayo". Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo at kiniss ako sa cheeks.

"Bye babe. Call you later ok?" naka ngising sabi ni Ranz kaya napa lunok laway nalang ako

BABE?!

*dugdug dugdug*

Halos nag jelly at pinagpawisan ako ng malamig sa ginawa niya. Ohhh my Jesus! Pwede na akong mamatay! Kyaaaaaaaaaah!

"O-okay. B-bye" utal kong sabi sa kanya at agad na ngumiti kay Lola Helen. Ngumiti din siya kaya bumaba na ako. Nang makababa ako ay hinintay ko silang umalis.

Holding hands- check

Akbay sa balikat- check

kiss sa forehead- check

kiss sa cheeks- check

Waaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ang haba na talaga ng buhok ko! My gulay! Di na talaga ako makahinga! 

Babe

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Mamamatay na talaga ako ng wala sa oras sayo Ranz! Pakshet! Kinikilig ako! Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Gusto kong tumambling, mag split, sumayaw at sumigaw sa kalsada kaso huli na ang lahat kasi nakita ko yung nanay ko sa pintuan. Naka ekis yung kamay at parang nagtatanong kung ano na bang nangyayari sa magaling niyang anak. Lumapit ako sa kanya at kiniss siya sa pisngi.

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now