Chapter 38

690 18 1
                                    

Chapter 38

Jealous

Nag panic agad sila sa ginawa ko. Nung nakita nila akong tumakbo at kabado kanina ay agad nila akong pinigil. I feel sorry kasi parang binastos ko sila but then again, my mind was out of focus. My dad was the only one whose appearing on my mind. Pinigil agad ako ni Yndine at nakita ko ang mga worried eyes niya. Di ko mapigilang hindi tumulo ang aking luha. I was so afraid na ba ka kung anong mangyari kay daddy. They were keeping me calm. They were asking me what happened. Tinanong nila kung sino yung tumawag sa akin at sinabi ko naman sa kanila agad. Hindi nag dalawang isip si Tito Nino na ipahanda yung van nila para mapuntahan agad si daddy.

Nung nasa loob na kami ng sasakyan, hindi ko mapigilang hindi umiyak. Ang lamig at nanginginig yung mga kamay ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Takot na takot ako.  I hope dad was fine. Ang kamasa ko ngayon sa loob ng van ay si Tito at tita, si Ranz, Owy, Kuya Ver at Yndine lang. Pina iwan si Cav, Biboy Ully para bantayan sila Nina, Niana at Seah. Gusto pa nga sanang sumama ni Niana kaso ayaw ni Tita Elcid.

"Everything will be ok iha" sabi ni Tita Elcid sabay tapik sa likod ko. She's comforting me obviously. Tumango naman ako at nag smile kahit na sa loob ng sistema ko ay takot at kaba.

Ang bilis ng mga pangyayari. Di ko namalayang nasa ospital na pala kami. Diretso akong pumunta sa nurse station para tanungin kung saang room nakalagay ang daddy ko. Sabi niya nasa ER pa daw kaya agad akong tumakbo patungong ER. I saw my mom crying on the bench. I immedietly hug her.

"Mom anong nangyari?" 

"Car accident" sabi niya at umiyak na naman. Hinagod ko yung likod niya trying to keep her calm.

"Don't worry Lisa, everthing will be ok" sabay yakap din ni Tita Elcid kay Mommy.

Ilang oras kamingnaghintay na lumabas ang doctor. Si mommy, hindi na umiiyak ngayon. I know that she's strong. Kausap niya si Tito Nino at Tita Elcid. Pa lakad-lakad lang ako kasi hindi ako mapakali.

"Nahihilo ako sayo Nyliz. Umupo ka nga muna!" sabi ni Yndine. Hindi ko siya pinakinggan at pa ulit-ulit na naman akong naglakad. Nahagip ng mga mata ko si Ranz. He's watching me at alam kong nahihilo na rin siya kakatingin sa akin. Ewan ko kung kikiligin pa ba ako kasi nakatingin siya. Pero ang nasa isip ko talaga ngayon ay si daddy. Erase muna yang kilig moments na yan. Tumayo si Ranz sa kina-uupuan niya at biglang naglakad papalayo. San kaya siya pupunta? Pakelam ko ba? Shet dapat si daddy yung ini-isip ko hindi siya!

I want to see my dad. I want to hug him. Nang napagod na ako sa kakalad ay umupo na muna ako sa upuan. Memories were starting to flash on my mind. Yung masasayang moments namin ni daddy nung bata pa ako. Yung sinasama niya ako palagi at binibili namin pareho yung favorite ice cream namin. Yung sabay kaming nanonood ng movies kapag may bago siyang dalang dvd's. Yung siya mismo ang nagsusuklay at nagtatali ng buhok ko. At yung kinakantahan niya ako bago matulog. I miss him. I'm a daddy's girl I know. Everything changed simula nung naging busy na siya sa business namin. I know he's trying his best to bond with me but he's just too busy for other things. Kaya nasanay nalang ako kalaunan na wala siya palagi sa bahay. He buy me things that I want. Should I call my self now a spoiled brat? Kidding. Pero alam ko naman na bumabawi lang siya kasi wala na kaming time mag bond sa isat-isa. Tears starting to slide on my cheeks. God, I miss my dad. I fucking want to see him now. I want to hug him tight. 

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن