Chapter 21

918 15 0
                                    

Chapter 21

Princess

"Uhhm excuse me. Sasagutin ko lang" tumayo siya nang may tumawag sa kanya. Tumango nalang ako at nag-isip sa sinabi niya. 

Like seriously?! Ewan ko na kung anong nasa utak niya. Ewan ko na kung joke pa ba yun o totohanan na. Bahala siya sa buhay niya. Basta  ako, loyal ako kay Ranz at kahit na gwapo tong si Owy ay never talaga akong magkakagusto sa kanya. Ayokong may ma feel siya sa akin. Ayokong mahulog siya sa akin. Ayokong magustuhan niya ako. Ayokong ligawan niya ako at lalong ayaw ko na masaktan siya. Kasi alam kong masasaktan siya sa huli. Ayaw kong mag assume siya at ayaw ko ding mag expect siya. Kapatid lang din ang turing ko dito kay Owy. Kaibigan din, yun lang! Ayokong sweet siya sa akin. Gusto ko palagi lang kaming nag babangayan. Gusto ko puro asaran lang. Yung natural na magkaibigan? Yun lang..

Pinagmamasdan ko yung mga taong dumadaan dito sa labas habang iniinom tong brewd coffee ko. May nakita pa akong mag jowa na sobrang sweet. Parang kambal tuko na di na mapaghihiwalay. They look cute and sweet together. Na pa-isip tuloy ako. Ano kayang feeling ng may boyfriend? Masaya ba? Totoo ba yung sabi nila na laging kumpleto araw mo kapag nanjan sila? Hindi ko pa nga naitatanong sa mga kaibigan ko to. Hmmmm matanong nga sa kanila kapag may time. Actually, wala naman talaga akong time na itanong sa kanila kasi wala to sa isip ko. Minsan tuloy, na O-OP ako sakanila kasi puro mga boyfriends nila yung topic nila. Nga naman, ako nalang pala ang walang partner dito. Pero I don't care! I'm still waiting for him at loyal ako sa kanya. Desperate Nyliz is desperate. Ako nalang ba ang ganito sa mundo? Kasi feeling ko Oo! Shet laslas na! Hahaha

Habang nakatutok pa rin sa labas, muntik ng lumabas sa ilong ko ang coffee na ininom ko. Kumalabog yung puso ko na para bang may gyera sa loob nito. Pinagpapawisan at ang lamig ng mga kamay ko. Para bang may kung ano-anong kulisap sa tiyan ko. At isang tao lang ang alam kong may dahilan kung bakit nagkaka ganito ako!

SHET! SI RANZ BA YUN? IS HE FOR REAL? AM I DREAMING? HALLUCINATING OR WHATEVER? OHH SHIT! PLEASE KUNG OO, PWEDE SAMPALIN NIYO NA AKO? SIYA BA YUN?!

He was wearing a printed white shirt. May dog tag necklace. Naka blue pants siya with matching sneaker shoes. Kinuha niya yung shades niya nung lumabas siya sa kulay itim na sasakyan. Singkit, Maputi tas nag Smile pa siya nung lumabas sa itim na car. Pinikit ko yung mga mata ko at pinapaypayan yung sarili ko. Ohhh shit! Siya ba talaga yun?! Kapag binukas ko tong mga mata ko at nandun pa rin siya, hindi ako magdadalawang isip na tumili!

OK

5

4

3

2

1

"Ok ka lang Nyliz?" biglang sulpot ni Owy sa harapan ko

Ms. KJ meets Mr. Sungit  Part 2 (A Ranz Kyle Viniel E. Fan Fiction Story)Where stories live. Discover now