CHAPTER 30: The Wedding

Start from the beginning
                                    

Muli kong inihakbang ang nanginginig kong paa. Kamuntikan pa akong matumba dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Mabuti na lang at nakasuporta sa akin si She dahil magmula pa kanina ay nakahawak na siya sa kaliwang braso ko at todo alalay sa 'kin. Magkasabay kaming naglakad ni She sa aisle habang walang tigil sa pagkuha ng litrato ang lalaking photographer.

Nang hindi sinasadyang magtama ang paningin namin ni Chris ay pakiramdam ko ay tumigil ang oras at tanging kami lang ang tao sa mundo. Nakatingin siya nang diretso sa 'kin habang hinihintay niya akong makalapit sa altar. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang mag-iwas ng tingin. Tila ba may kung ano sa mga titig niya na hindi ko maipaliwanag kung ano. But the way he looked at me, I feel like I'm the most beautiful woman living on Earth.

Goodness gracious. Why am I having this feeling? Yes, I'm aware of my own feelings. But why do I have to be this obvious?

"Ingatan mo si Mar ah. Love her with all your heart," madamdaming bilin ni She kay Chris.

Ngayon ko lang napansin na kaharap ko na pala si Chris at iniaabot na ni She sa kaniya ang isang kamay ko na hindi nakahawak sa bouquet.

"I will love her, always and forever," Chris answered.

I know that all of these are just for fun. But the way he said those words, I can feel his sincerity.

Napapikit na lamang ako nang mariin at napabuntong-hininga para pigilang kumawala ang nararamdaman ko sa loob-loob ko. Ayokong magpadala sa emosyon ko at magkalat sa harapan ng lahat. Baka wala na akong mukhang maiharap kay Chris kapag nalaman niya ang tungkol sa lihim kong nararamdaman sa kaniya.

"May I?" malambing na tanong si Chris at inilahad ang kaniyang kanang kamay sa aking harapan.

Tipid lamang akong ngumiti kay Chris kahit sa loob-loob ko ay halos magtatatalon na ang puso ko sa tuwa. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad gamit ang kanang kamay ko na iginiya niya papunta sa kaniyang kaliwang braso at doon niya pinahawak ang kamay ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakahawak pa rin ako sa braso ni Chris. Tumigil kami sa tapat ng tumatayong pari. Napapagitnaan kami ng mesa at ng dalawang upuang napapalamutian ng mga puting rosas at balot na balot ng puting tela.

Nagsitahimik na ang lahat at maging ang kanta ay nawala na rin. Nakatuon na lamang ang lahat sa lalaking nagsisilbing pari na nasa harapan namin katabi ang ring bearer.

"We are gather here today to witness the union of Mr. Christopher John Rodriguez and Ms. Mary Sophia Angeles. To formally start this ceremony, you may now all take your seats."

Katulad ng sinabi ng tumatayong pari ay nagsiupo na ang lahat sa kani-kanila nilang upuan habang nanatili naman kaming nakatayo ni Chris.

"Mr. Christopher John Rodriguez, do you take Ms. Mary Sophia Angeles to be your lawfully wife from this day forward?"

"I do," agarang sagot ni Chris na nasa akin ang tingin.

"Ms. Mary Sophia Angeles, do you take Mr. Christopher John Rodriguez to be your lawfully husband from this day forward?"

"I do," mabilisan ding sagot ko.

Kahit gustong-gusto kong titigan si Chris ay hindi pwede. May kung ano akong nararamdaman sa mga oras na ito na hindi ko maipaliwanag. Parang hindi ako mapakali at gusto kong pagmasdan ang mukha niya pero alam kung kapag ginawa ko 'yon ay mas lalo lang akong mahuhulog sa kaniya kaya ginagawa ko ang makakaya ko para lamang pigilan ang sarili kong lingunin siya.

"And now, for your pledge, repeat after me," utos ng tumatayong pari.

Huminga muna ako nang malalim saka namin ginawa ang ipinag-uutos ng tumatayong pari. Matapos naming sambitin ang pledge namin nang sabay ay muli kaming matiim na tiningnan ng tumatayong pari.

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now