CHAPTER 30: The Wedding

Start from the beginning
                                    

"Th-Thanks," nahihiyang sagot ko bago ako tuluyang lumabas ng tent.

Nang makalabas ako ng tent ay bumungad sa akin ang mukha ng ngiting-ngiting si She na nakasuot ng isang pink off-shoulder dress at pink na flower crown.

"Yey! We're so gorgeous talaga!" parang batang sigaw ni She at basta na lang akong niyakap nang sobrang higpit.

"Ahm, excuse me po. Magsisimula na po ang kasal," pagbibigay-alam ng tumatayong organizer ng kasal na magaganap.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Doon ko lang napansin na nakatayo kami ni She sa dulo ng red carpet habang ang kabilang dulo naman nito ay nasa tumatayong altar. Muli kong iginala ang aking paningin at hinanap ko kung sino ang groom. Agad na nahagip ng paningin ko si Chris ilang metro ang layo mula sa 'kin. Naghahanda na siya para sa bridal processional ceremony.

Nasa soccer field ang venue kaya nagmukhang garden wedding ang ayos ng paligid. May arko sa pinakadulo ng aisle na siyang nagsisilbing altar kung saan nakatayo ang tumatayong pari. Sa harapan ng pari ay may mesang nababalutan ng puting tela kung saan nakapatong ang isang Bibliya. Ang arko naman ay napapalamutian ng mga puting rosas. May kurtina ring nahahati sa dalawa ang nakatali sa bawat haligi ng arko.

May mga nakahilerang upuan sa magkabilang gilid ng aisle na nababalutan ng puting tela. Ang mismong gilid naman ng aisle ay may mga stand ng bulaklak na ang gandang tingnan lalo pa't kulay puti ang mga ito kaya maaliwalas tingnan. May puting tela ring nagkokonekta sa bawat stand na nagsilbing fence.

Nagsimula nang maglakad si Chris na gwapong-gwapo sa suot niyang itim na tuxedo na may puting bulaklak sa kaliwang parte ng kaniyang dibdib. Nakangiti namang nakasunod sa kaniya si Peter na gwapong-gwapo rin sa suot nitong kahawig ng suot ni Chris. Marami pang mga sumunod sa kanila: may ring bearer na sa tingin ko ay nasa ikapitong baitang, flower girls at kung ano-ano pa.

"All rise for the bride," pagkuha ng tumatayong pari sa atensiyon ng lahat.

Nagsimula nang tumugtog ang kantang Beautiful In White pagkatapos magsalita ng pari. Hindi ko naman maiwasang madala sa ganda ng kanta na bumagay sa ayos ng paligid at sa nakatakdang maganap na kasal.

Siniko ako ni She sa tagiliran ko, dahilan para matauhan ako at mapansin kong lahat ng mga mata ay nakatuon na sa akin dahil ako na ang maglalakad patungo sa altar.

Malalim akong napabuntong-hininga upang humugot ng lakas ng loob na ihakbang ang paa ko. Ihahakbang ko na sana ang paa ko nang mahagip ng paningin ko ang Music Club members mula sa Harana Booth na nakatayo sa gilid ng arko katapat ni Chris. Sa kanila nanggagaling ang kanta kaya hindi ko maiwasang magtaka kung paanong nandito sila gayong hindi sakop ng trabaho nila ang trabaho ng Marriage Booth. Ngunit sa halip na mag-isip pa ng posibleng rason ay ipinilig ko na lamang ang aking ulo upang alisin ang pagtataka ko.

Muli ko na sanang tatangkaing maglakad nang may kung sinong lalaki ang kumuha sa akin ng litrato sa iba-ibang anggulo. Pinaningkitan ko ng mga mata ang lalaking kumukuha sa akin ng litrato nang makilala ko kung sino ito. Katulad ng tumatayong choir na mula sa Harana Booth ay wala rin dapat dito ang lalaking ito dahil sa pagkakatanda ko ay mula siya sa Photo Booth.

'Kailan pa ba nag-collaborate ang Harana Booth, Photo Booth at Marriage Booth?' hindi ko na napigilan pang itanong sa aking sarili dahil sa labis na pagkalito.

Sa kabila ng pagkalito ko ay pinilit ko pa ring ihakbang ang paa ko. Unang hakbang ko pa lang ay muli na naman akong natigilan nang mapansin ko ang panginginig ng aking paa at ang panlalambot ng aking tuhod. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang kaba ang nararamdaman ko gayong hindi naman totoong kasal ang magaganap.

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now