CHAPTER 29: Let Me Be The One

Start from the beginning
                                    

"Shunga! Hindi ako, ano! Kasama mo nga ako magmula kanina, hindi ba? Kaya paano ko naman sila mapapalista?" pambabara ko kay Peter.

"Then, who's behind this?" kunot-noong tanong niya.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sino nga ba? Ako lang naman ang mahilig mangialam sa buhay ni Mar kaya maging ako ay wala ring ideya sa kung sino ang nagpalista sa kanila.

"Hindi kaya sina Justin ang may pakana nito?" hindi siguradong sagot ko.

Maging ako ay hindi kumbinsido sa sarili kong sagot. Hindi ko pa nakikita ang tatlong baliw magmula kanina kaya imposibleng makapunta sila rito para magpalista.

"Haist! Bahala na nga. Basta ganito na lang. Gawin na lang nating exciting at memorable 'tong kasal nila, okay? Huwag na tayong umepal. Ibigay na natin sa kanila 'tong moment na 'to," mahabang wika ko.

Itinaas-baba ko pa ang kilay ko at mukhang naintindihan naman ni Peter ang ibig kong sabihin dahil nakita ko siyang ngumisi.

"I like what you're thinking, bhe. Let's get this started," he said with a grin and he winked at me afterwards.

Sinimulan na namin ang plano. Mabuti na lang at may isa pang pares bago sumalang sina Chris at Mar kaya may oras pa kaming maghanda. Tingnan lang natin kung hindi pa magkaaminan ang dalawang 'yon sa pakulong gagawin namin ni Peter.

♡•♡•♡•♡•♡

MARY'S POV

Halos isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin nagpapakita sa amin sina She. Kanina pa ako palinga-linga sa paligid pero ni anino nila ay hindi ko makita.

"Chris, alam mo ba kung nasaan sina She?" tanong ko sa kasama ko na kanina pa tahimik.

"I have no idea. But don't worry, nasa tabi-tabi lang ang dalawang 'yon," sagot ni Chris na para bang wala lang sa kaniya kahit na magtanan ang dalawa at tuluyan nang hindi bumalik.

Napagpasyahan namin na pumunta na muna ng field para magpahinga saglit dahil halos nalibot na namin ang buong campus pero hindi pa rin namin mahanap ang dalawa. Naupo ako sa isa sa mga bench. Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Chris.

Kakausapin ko sana si Chris tungkol sa may pakana ng pagkakakulong namin sa Jail Booth nang biglang may magsalita sa speaker na rinig sa buong campus. Nag-play naman sa background ang kantang After Your Heart ni Moira Dela Torre.

Dear Sheena Claire Alcantara, or should I say, bhe,

I just want to take this opportunity to thank you for everything. Thank you for making me feel that I deserve to be truly loved. Thank you for making me realize my worth in this world. Thank you for coming into my life and helping me realize an important lesson in life. You taught me that in life, there's nothing wrong to be treated as a kiddo and to have someone beside you who acts like a child despite of her age. Thank you for making me smile and laugh every second that I'm with you. Thank you for guiding me to the right path and putting up a light and color into my life.

Thank you for being my childish, loving, sweet and caring girlfriend. I will always be grateful for meeting you and getting to know you better. I love you so much, bhe. I promise I won't look at any other girls because you are more than enough for me. Stay childish and silly as always.

Your bhe,
Peter Luis Calderon

Nagtilian ang lahat ng mga babaeng nakarinig ng mensahe ni Peter. Marahil ay hindi nila inaasahang may ganitong side si Peter.

Kahit hindi ko kasama si She ay alam kong halos mamatay na siya sa kilig sa mga oras na ito. Malinaw kong nakikita sa isipan ko ang kinikilig na mukha ni She at hindi ko maiwasang magpasalamat na wala ako sa tabi niya ngayon dahil kung nagkataon ay malamang na bugbog ang aabutin ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang mapalitan ang tugtog. Mula sa kanta ni Moira Dela Torre ay napalitan ito ng kanta na You and I.

Dear Mary Sophia Angeles,

Bigla akong natigilan at nanigas sa aking kinauupuan matapos kong marinig ang pangalan ko mula sa speaker. Hindi ko magawang kumilos o ibuka ang aking bibig upang suminghap kung kaya nanatili akong walang imik at kibo at inabangan na lamang ang susunod na sasabihin ng babaeng may hawak ng mic na siyang nagbabasa ng mga sulat na natatanggap ng Message Booth.

Hi. You look so beautiful. You may be a nerd which everyone calls a weirdo and a manang. But for me, you're the most beautiful girl I've ever seen and I'm so happy that you came into my life. You changed me without even knowing it. You made me realize the true value of family. You became my eye opener.

To be honest, you're not only an eye opener to me because you also opened the door to my heart without my consent and I hate you for that. But... I love you at the same time.

I want to thank you for everything. Thank you for making me feel good and thank you for teaching me how to love someone unconditionally.

I just want you to know that you're the first person to have my heart. I know that you've never been into a relationship before so I'm asking you a favor. Let me be the one. Let me be your first and last boyfriend and I promise, I won't ever hurt you.

But for now, I don't want to reveal myself yet. Let's wait for the right time. Don't worry because I'm willing to wait for your answer and for the time wherein you'll be ready to open your heart for me. I'm willing to wait even how long it takes. Just let me be the one and you'll never regret it.

Your knight in shining armor,
CJ

Hindi ko naman maiwasang mangunot ang aking noo sa mga narinig ko.

CJ? Is it a codename or his initials? Ayokong umasa pero siya lang ang naiisip kong may CJ na initials. Should I ask him? Should I confirm it with him? But if I do that, I should face the consequences of my actions and one of its consequences is to answer him either yes or no. The question is, am I ready to give him an answer? Should I really confront him or should I act as if nothing happened?

Argh! I don't know what to do. Why am I even put into this kind of situation? I don't know what to do and what to act in front of him.

Malalim akong napabuntong-hininga dahil sa dami ng tanong na gumugulo sa isip ko. Sa tingin ko ay kailangan ko siyang tanungin para malaman ko na ang totoo. I don't want to assume and I don't want to jump into conclusions either. Mas lalong ayokong pagdudahan siya kaya kailangan kong malaman ang totoo para mawala na ang awkward feeling na namamagitan sa amin.

Kinalma ko muna ang sarili ko. Nang haharapin ko na sana siya ay may bigla na lang nag-alis ng salamin ko at nagtakip ng mata ko. Sisigaw na sana ako nang bigla na lang may kamay na tumakip sa bibig ko.

Bigla naman akong naalarma dahil sa ginawang pagtakip ng bibig ko ng kung sino. Wala akong maalalang kahit anong booth na tinatakpan ang bibig ng huhulihin nila. Mata lang ang tinatakpan nila.

Tinangka kong magpumiglas pero may nakahawak sa dalawa kong kamay at kung hindi ako nagkakamali ay lalaki ito dahil sa lakas nilang taglay.

Bigla kong naalala si Chris. Kasama ko siya pero bakit parang wala man lang siyang balak tulungan ako? Saka ang mas nakapagtataka pa ay maging ang boses niya ay hindi ko marinig.

Nang inalalayan akong tumayo ng nakahawak sa 'kin ay hindi na lamang ako nagpumiglas dahil kahit naman gawin ko 'yon ay hindi pa rin ako makakawala. Tahimik na lang akong nagpatianod sa mga nakaalalay sa aking maglakad.

A/N: Stop muna tayo rito. Kapagod mag-type e😂 Sa next chapter ko na lang ilalagay ang continuation.

Anyway, sorry sa grammar. Hindi ko naman kasi bet mag-english. Tina-try ko lang magpaka-foreigner para sa inyo. Baka kasi ayaw ninyo ng straight na tagalog. Mianhe😂

The Revenge of a NerdWhere stories live. Discover now